# 18_Reallan Hindi na ako nagtuloy ng umagang iyon ng makita ko na napakaraming tao sa labas mismo sa kompanya ni Jason na nag wewelga dahil sa sunod sunod na kapalpakan na nangyayari sa loob. Matapos kong kausapin si Kanye noong isang araw ay mas lumala pa ang lahat lahat. Nanlulumo na lamang ako na nakatayo sa isang gilid na nakatingin doon. Kung lalapit pa siguro ako ay baka madamay ako dahil nagkakagitgitan na ang mga tao na nagpupumilit na makapasok at isinisigaw na lumabas ang may ari ng kompanya at managot sa mga naging kapalpakan nila. Pero hindi naman sila makapasok dahil hinaharangan din sila ng nga guardiya. "Your a monster Kanye." Naibubulong ko na lang at kuyom ang kamao ko pero kasalanan ko din naman dahil sumugod din ako kahapos kay Kanye para ipamukha dito na hindi niya