# 17_Kanye # Kanye_POV Marahas na napatayo ako sa kinauupuan ko at pasuntok na dumapo ang kamao ko sa lamesa ng maiwan na lang akong mag isa sa loob. Damn it! Kailan pa siya natuto sa ganung treak at napasakay niya ako. At ako naman ay nagpadala agad dahil sa sabik akong mahalikan, mayakap at madama ang kalambutan ng kanyang katawan. "Reallan." Kuyom ko ang kamao ko habang binabanggit ang pangalan niya at nakatingin na lang ako sa pintuang nilabasan niya. "Hindi mo na akp maiisahan Reallan. Dahil ikaw ang iikot sa mga palad ko. Ibabalik ko ang dating ikaw na mahal na mahal ako." Gigil na sumpa ko pa at nanggagalaiti talaga ako sa pagkabitin ko. "At dahil sa ginawa mo! Uunti untiin ko ang Jason na iyon bilang kabayaran ng kapangahasan mo." Galit na nilisan ko ang kompanyang binili ko