Typos and grammatical error ahead!! Nakatanaw ako sa kanila ngayon nagpapalipad ng saranggola. Kahit hindi man kinakausap ni Frances si Kanye ay nakikisama naman ito sa kanya lalo na at ang ginagawa ni Kanye ay parang iinggitin si Frances para kusa na itong lumapit sa kanila. Sa una ay hindi makikisali si Frances. Tapos sila naman ni Xaviel na parang nagkasundo naman ay ipinapakita nila kung gaano kasaya ang nilalaro nila tapos iyon na nga. Makikipaglaro na si Frances sa kanila dahil naengganyo na sa panunuod sa kanila at gusto ng sumali. "Kumusta ang mga bata ng malaman nila na ang apo ko ang kanilang ama." Napalongon ako kay señor. Nakaagapay dito si Benny. Ang personal bodyguard, maid, at marami pang iba. "Okay naman kay Xaviel señor. Pero si Frances. Kinukuha parin niya ang loob n

