Typos and grammatical error ahead!!! "Patingin ako." Nakipag agawan pa sa akin si Reallan sa phone ko ng makabalik ako sa silid namin matapos kong makipag usap kay Frances at samahan na ito hanggang sa makatulog. "My Love naman. Paano mong nalaman na may larawan ako sa phone ko?" Inagaw ko iyon sa kanya. At ang lagay pareho na kaming nakatayo sa gitna ng kama. Nakataas ang isang kamay kong may hawak ng CP habang ang isa ay nakaalalay sa kanya habang siya ay pilit na inaabot iyon sa akin. "Ano ba? Para titignan lang naman eh." Sabay talon para lang maabot ang kamay ko pero umiwas lamang ako. "Haha! Ano ba kasi ang ginawa mo nung bata ka my Love at hindi ka yata tumangkad" "Ang yabang. Kala mo naman katangkaran ka." Napasimagot siya pero hindi tumigil sa pakikipag agawan sa phone ko. T

