Typo and gramatical error ahead!!! # 10_Reallan Flashback 1.9..... "He is nothing." Narinig kong boses ni Kanye iyon na nakapagpatigil sa akin tumuloy sa pagbukas ng tuluyan sa pintuan ng rooftop para mananghalian kasama siya. "Pero lumipat ka sa apartment niya dude. Ano yon? Pagsasawaan mo siya?" "It's none of your business kung paano ko siya hawakan sa leeg." Sagot niya sa kausap na nakapagpakabog ng malakas sa puso ko "Pero dude, sinisira mo ang buhay ng bata sa ginagawa mo?" "Hahaha!." Pagtawa pa niya. Ayaw ko man sana sumilip pero gusto kong mas marinig at bahagyang makita sila ng mga kausap niya. Ang mga kaibigan niya ang mga iyon. "Hindi ko naman sinisira ang buhay niya. At siya ang may gusto nun. Hindi ko siya pinipilit dahil inihain niya mismo ang katawan sa akin. At saka,