Typo and gramatical error ahead!! flashback.... Ayaw ko man sanang ipakita ang panghihina ko pero huli na dahil dumating na siya at agad akong dinaluhan pasama sa banyo habang nagduduwal. "Anong nangyari?" Kahit papaano ay nakaramdam ako ng pag aalala sa tuno ng boses niya habang masuyong humuhugod ang palad niya sa likuran ko. "I'm f-fine. Ugh...." muli na naman akong naduwal pero tanging laway lang naman ang lumalabas pero bumabaliktad talaga ang sikmura ko. "Wait." Iniwan niya ako. Ilang sandali pa ay may dala na siyang baso ng tubig at ibinigay niya iyon sa akin. Kahit ayaw ko man sanang kunin iyon ay kinuha ko parin at uminom matapos makapag mumog para mawala ang pait sa panlasa ko. "What happened?" Muli ay tanong niya sa akin habang nakaalalay siya sa akin palabas ng banyo. N