Chapter 4

3434 Words
“ATE!” nag-aalalang wika ni Margaret nang pumasok ito sa kuwarto. Agad namang niyakap ni Margarat ang ate niya sa kama. Naiiyak siya sa sobrang pag-aalala rito. “Ano ba talagang nangyari sa’yo, Ate Alexa? Sobra talaga akong nag-aalala sa’yo. . .” maluha-luha niyang sabi dito saka humiwalay ng pagyakap kapagkuwan ay pinahid ang mga luha. “A-Ayos lang ako, Margaret, puwede na nga akong lumabas mamaya, eh.” Nanlaki ang mata ni Margaret sa sinabi nito saka pinilig ang ulo. “Naku! Hindi ako papayag, bukas ka na lang lumabas. Magpahinga ka muna, Ate.” “Eh, maayos naman na ako. Nahimatay lang ako dahil sa init,” ani Alexa dito pero ilang sandali lang ay dumating si Miss Olivia. “Nabalitaan ko ang nangyari sa’yo. Kumusta ang lagay mo ngayon, Aria?” “A-Ayos naman po ang pakiramdam ko ngayon, Miss Olivia. Pasensya na po talaga kung dahil sa akin ay hindi ma-de-delay ang shooting.” Umiling lang si Miss Olivia. “Hindi mo kasalanan, Aria, kasalanan ‘yon ng locator. Anyways, kaya mo na bang umattend ng shooting bukas?” Napalingon si Margaret kay Alexa saka umiling ito senyales na hindi niya pa ito pinapayagan na magtrabaho kaagad. Ngumiti lang si Alexa at hinawakan ang braso ng kapatid at tumango, saka binaling ang tingin kay Miss Olivia. “Ayos lang po sa akin, Miss Olivia—” Biglang sumingit si Margaret. “Uhm, Miss Olivia, ganito na lang po. . . kung okay lang sana na sa makalawang araw na lang siya mag-shooting? Mukhang kailangan niya munang magpahinga.” Nanlaki ang mata ni Alexa sa sinabi ng kapatid niya. Huminga naman nang malalim si Miss Olivia at tumango. “Sige, mukhang may punto naman ang kapatid mo, Aria. Kailangan mo munang magpahinga bukas. Sa susunod na lang na araw ang shooting. Sabihan ko na lang si Direk Gab ang tungkol dito. Sge alis na muna ako. H’wag ka nang mag-alala sa hospital bill mo dahil sagot na ‘yan ng kompanya.” Pag-alis ni Miss Olivia ay agad na sinampal ni Alexa ang braso ni Margaret. Napasigaw naman sa kirot ang kapatid nito. “Aray! Ang sakit no’n, ah?!” aniya saka hinimas-himas ang braso. Tiningnan ni Alexa nang masama si Margaret. Maayos naman talaga ang pakiramdam niya, gustong-gusto na nga niyang mag-shooting bukas. Excited na rin kasi siyang maging bride sa advertisement na ‘yon, pero ma-de-delay nang dahil sa pakialamera niyang kapatid. “Sinabi ko naman kasi sa’yo na okay na ako, puwede na ako mag-shooting bukas.” Ngumiti si Margaret at biglang lumambot ang boses niya dito. “Ate. . .” aniya saka umupo sa kama at sinandal ang ulo sa braso ni Alexa. Napaikot ng mata si Alexa dahil alam niyang may kailangan na naman ang kapatid niya dito. “Ate, alam mo bang sobra kitang iniidolo? Naiinggit nga ang mga klasmates ko dahil may kapatid daw akong artista!” dagdag pa nito kaya huminga nang malalim si Alexa. “Hindi pa ako gano’n ka sikat, okay?” Ngumuso lang si Margaret saka mas lalong lumambing ang boses niya dito. “Eh, papunta ka na do’n, Ate. Magiging sikat ka nang endorser–este artista!” tugon na sabi ni Margaret saka humarap ka Alexa. “Hindi mo na ako madadaan sa ganito, Margaret. Ano bang kailangan mo? Sabihin mo na.” Biglang umaliwalas ang mukha ni Margaret kaya napangiti siya dito. “Talaga, Ate? Okay, I’ll cut the chase. Eh kasi may acquaintance party kami next week. . . gusto ko sana maganda ang suot ko. Elegant daw kasi ang theme namin.” May pinakita pang litrato si Margaret mula sa cell phone niya. “Ito ang gusto kong gown para sa party.” Isang red gown na mahaba ang slit ang pinakita ni Margaret dito. Napataas ng kilay si Alexa at namangha siya sa taste ng kapatid niya. Makintab ang red gown at backless pa ito. “Ang ganda, ah? Parang bagay nga talaga sa’yo ‘yan,” patango-tangong wika ni Alexa. Gaya ni Alexa ay balingkinitan din ang kapatid niya. At talagang pinagpala din ito ng kagandahan. “Okay lang naman sa akin na ito ang suotin mo. Magkano ba ‘to?” Hindi muna nakasagot si Margaret dahil nag-iipon pa siya ng lakas na sabihin ito sa ate niya. Alam niya kasing magugulat ito sa taas ng presyo. “Magtititigan na lang ba tayo dito, Margaret?” Bahagyang natawa si Margaret para tanggalin ang kaba sa dibdib. “Actually kasi, Ate. . . pre-made kasi ito. . . so. . .” “So?” taas kilay na sabi ni Alexa. “Uhm. . . 30K lang naman po ito, Ate,” nahihiyang sabi ni Margaret kaya halos mailuwa ni Alexa ang mata niya nang marinig ‘yon. “Ano? 30K lang? As in, thirty thousand pesos for that kind of gown lang?” Napakamot ng ulo si Margaret habang tumatango. “Opo. Branded kasi po, Ate.” “Jusko, Margaret, isang beses mo lang ‘yan susuotin sa buong buhay mo, kaya mag-rent ka na lang ng gown. Ang daming magagandang gown sa shop na puwede mo i-renta. Iyon na lang kaya? Alam mo naman na hindi tayo gano’n kayaman para mabili ‘yan kaagad.” Biglang ngumuso si Margaret saka yumuko. “Eh. . . ngayon lang naman ito, Ate. Gusto ko lang naman ma-experience ang makasuot ng isang branded na gown. Pero sige po, Ate Alexa, h’wag na lang.” Aalis na sana si Margaret nang magsalita si Alexa. Napapikit na lang siya saka bumuga ng hangin. “Oh sige, sige. Pumapayag na ako. May naiwan pa naman akong pera sa savings ko. Pero ipangako mo sa akin na gagalingan mo sa pag-aaral mo, ha? Isang taon na lang, graduating student ka na. H’wag kang tumulad sa mga classmates mong nagsasayang lang ng pera at panahon.” Nanlaki ang mata ni Margaret sa narinig niya. Labis siyang natuwa sa sinabi nito kaya agad niyang niyakap si Alexa. “OMG! I can’t believe it! I promise you, Ate Alexa na mas lalo kong gagalingan ang pag-aaral ko.” Third year college na ngayon si Margaret bilang Civil Engineer sa South Valley University. Magaling na student si Margaret at palagi siyang nag-to-top sa klase. Isa siya sa mga hinahangaan ng mga students sa campus dahil hindi lang sa matalino ito kundi sobrang ganda din. Marami ang nanliligaw kay Margaret pero hindi niya ito sinasagot dahil para sa kaniya, importante ang pag-aaral kaysa ang magkaroon ng jowa. “At h’wag mo rin kalilimutan na—” “Studies first? Ate, kabisado ko na ‘yon at alam ko naman ang ginagawa ko. Hindi ko naman hahayaan na masayang lang ang effort nating dalawa. Ayoko rin kasi na ma-disappoint parents natin kung pababayaan ko na lang ang pag-aaral ko.” “Very good. Kaya h’wag ka munang mag-jo-jowa. Entiendes?” “Entiendes!” ani Margaret saka sila nagtawanan ng ate niya. Maagang umuwi ang magkapatid kinabukasan dahil mas gusto ni Alexa na magpahinga na sa bahay kaysa sa ospital. Feeling niya kasi ay parang nasa kulungan siya, hindi makagalaw nang maayos lalo na sa nakakabit na suwero sa kamay. Wala si Margaret, nasa school ito kaya nag-iisa lang si Alexa sa condo. Imbis na magpahinga ay naglinis na lang siya pagkatapos ay nagluto. Ilang sandali pa ay biglang may nag-doorbell sa labas kaya agad siyang sumilip sa butas ng pinto. “Sino kaya ito?” tanong niya sa isip habang sinisilip ang butas. Nanlaki ang mata niyang makita ang mukha ng lalaking inutangan ng mga magulang niya noon. Nasa kalahating milyon pa ang babayaran niya, hindi pa kasama do’n ang interest. Napahigit na lang siya ng paghinga dahil inaapura na siya nitong bayaran na ang kalahating milyon. Nag-doorbell ulit ang lalaki kaya inihanda ni Alexa ang sarili niya at nang buksan niya ang pinto ay ngumiti siya dito. “Good afternoon sa’yo, Mr. Franco!” “Hindi maganda ang hapon ko sa’yo, Miss Alexa. Kailangan mo nang bayaran ang kalahating milyon next week.” Napatunog ng dila si Alexa saka hinawakan niya ang braso ni Mr. Franco para lambingin ito. “Eh, Mr. Franco naman. . . masyadong maaga ang next week na deadline. Puwedeng next month na lang? May bago akong endorsement! Malaki ang pasahod nila sa akin! Do’n, sisikat ako!” Tinanggal ni Mr. Franco ang kamay ni Alexa sa braso niya. “Hindi mo ako madadala sa ganito mo, Alexa. Kailangan mo nang magbayad, kung hindi. . . mawawalan ka na ng tirahan dahil naka-collateral ang condo na ito.” Napaigtad si Alexa sa narinig niya. “Ano? Naka-collateral? Paano nangyari ‘yon?” “Bago namatay ang nanay mo, pumirma siya ng kontrata no’ng nag-reloan siya para pambayad ng ospital bills niya. Do’n sa kontrata nakasaad na i-collateral ang condo na ‘to.” Pinakita ni Mr. Franco ang signed contract ng nanay niya. Natulala na lang bigla si Alexa dahil hindi siya makapaniwala sa ginawa ng nanay niya. “Kaya kung ako sa’yo, bayaran mo na lang ang kalahating milyon. Wala akong pakialam kung magiging sikat kang artista, ang kailangan ko ngayon ay pera. You only have one week para bayaran ‘yon,” ani Mr. Franco saka umalis ito. Naiwang tulala si Alexa habang hawak niya ang kopya ng kontrata. Hindi pa rin ma-sync-in sa utak niya na kailangan na niyang bayaran si Mr. Franco, kung hindi. . .mawawalan na sila ni Margaret ng tirahan. Bumalik siya sa loob at biglan naamoy ang sunog na itlog kaya agad siyang tumakbo pa kusina upang i-off ang gasul. Patapon niyang nilagay sa lababo ang frying pan kasama ang sunog na itlog saka binuksan ang faucet. Bigla na lang siyang naluha dahil sa bigat na naramdaman niya. “Grabe ka naman, ‘Nay, hindi ka naman naawa sa amin. Iniwan niyo na nga kami, binigyan mo pa ako ng obligasyon na bayaran ang utang mo. Haay.” Huminga nang malalim si Alexa at pinahid ang luha niya. Mabilis niyang hinugasan ang frying pan at tinapon ang sunog na itlog. Maya-maya pa ay nagtungo siya sa kuwarto niya. Binuksan niya ang kaniyang drawer para kunin ang passbook. Umupo siya sa silya at kumuha siya ng papel. Sinulat niya lahat ng mga babayaran niya simula sa mga utility bills, tuition fee at gown ni Margaret, monthly expenses hanggang sa utang ng nanay niya. May naipon naman siyang halos isang milyon sa account niya pero kung ipapambayad niya ang kalahating milyon sa utang ng nanay niya, magigipit sila ng kapatid niya sa pang-araw-araw na gastusin. Kailangan pa niyang magbayad ng isang daang libong piso na tuition fee ni Margaret. Bumungtong-hininga na lang si Alexa. Mukhang kailangan pa niya mag-doble kayod para sa future ng kapatid niya, sa future nilang dalawa. “Haaay. Ang hirap naman mag-budget kung kulang ang pera ko.” Bigla na lang naisip ni Alexa na may nag-offer sa kaniya na isang bangko para bigyan siya ng credit card. Baka do’n puwede siyang umutang? Nagmadali si Alexa papunta sa banko upang mag-apply ng credit card. Pagdating niya do’n ay agad siyang nag-fill up ng form. Napahinto siya nang isusulat na niya ang status niya, kung single pa ba siya o married. Bigla na lang niya naalala ang nangyari sa San Agustin church at nag-flashback sa isip niya ang offer ni Stell. Agad naman niyang iwinaksi ‘yon sa isip. Kahit anong mangyari ay hindi niya tatanggapin ang offer na ‘yon. Hindi niya isusugal ang status niya para lang sa pera. Ang problema nga lang, baka ma-deny ang application niya. “Uhm, Miss, kapag po ba nagkamali ako dito sa pag-fill-up ng form, may chance ba na hindi ma-approved ang application ko?” “Depende po, Ma’am. Kung sinadya niyo magsinungaling sa amin, hindi po talaga kayo maa-approved. Pero kung hindi niyo sinadya, aayusin lang po ang mali at may chance po na ma-approved kayo. Pipirma naman po kayo sa form na ‘yan na magpapatunay na lahat ng sinulat niyo d’yan ay tama,” salaysay ng staff kaya napalunok na lang si Alexa. Huminga nang malalim si Alexa. Alam naman niya kasing isang aksidente lang ang nangyari kaya isusulat niyang single pa siya sa status niya. Pagkatapos niyang mag-fill-up ng forms ay agad niyang binigay ito sa staff. Kailangan pa raw niya maghintay ng five business days para malaman ang resulta. Mukhang hindi na aabot sa binigay na palugit ni Mr. Franco kung mangyari ‘yon. Mabigat pa rin ang loob ni Alexa paglabas niya ng bangko. Wala na siyang choice kundi ang bayaran na lang si Mr. Franco at i-budget ang natitirang pera sa araw-araw nilang gastusin. Habang naglalakad siya sa kalye at napahinto siya nang makita ang isang magandang simbahan na puno ng mga taong nakapalibot do’n. Nanliit ang mata niya nang makita niya ‘yon, maraming mga camera at may mahabang shotgun microphone na binibuhat ang isang lalaki habang sinusundan ang isang magandang bride. “May shooting ba?” aniya sa sarili kaya inusisa niya ang lugar na ‘yon. Pagdating niya sa venue ay natigilan siyang makita ang pamilyar na ginagawa ng bride. Kuhang-kuha nito ang nasa script na sinaulo niya noon. Ginala ni Alexa ng paningin niya sa buong shooting area at nakita niya na nag-di-direk sa mga cast si Direk Gab kasama si Miss Olivia na nasa likuran lang ito kaharap ang mga monitors. Napalunok si Alexa kasabay ng pagbigat lalo ng dibdib niya. Hindi niya inakalang bigla na lang siya papalitan na wala man lang paalam sa kaniya. Ilang sandali pa ay nagtama ang mga mata nila ni Miss Olivia. At dahil sa bigat na nararamdaman ni Alexa ay pumatak ang mga luha niya. “Aria?” usal ni Miss Olivia kaya no’ng marinig ito ni Direk Gab ay napahinto siya sa pagsasalita at napatingin kay Alexa. “Oh? Ba’t nandito si Alexa? Akala ko ba nagpapahinga siya?” tanong ni Direk Gab kay Miss Olivia. Imbis na sagutin siya nito ay nilapitan niya si Alexa. Kaagad na naglakad ng mabilis si Alexa habang umiiyak siya. Hinabol siya ni Miss Olivia, at sumigaw pa ito. “Aria!” sigaw ni Miss Olivia sa pangalan nito. Huminto naman si Alexa sa paglakad at hinarap si Miss Olivia. “Ibang klase rin ang ng ginawa mo sa akin, Miss Olivia. At talagang kumuha ka pa ng isang substitute bride. Wala ka bang tiwala sa akin, ha? Alam kong hindi madali ang sumikat pero. . . ginagawa ko naman ang lahat para mas lalo akong makilala ng mga tao. Nagsusumikap ako, pinag-aaralan ko lahat ng mga tinuturo mo sa akin. Alam ko naman na nanghihinayang ka sa isa mong alaga na si Kylie. Namatay siya sa aksidente at ako ang pinalit mo sa kaniya. “Miss Olivia naman, kinuha mo ako bilang artist ng agency mo dahil may nakikita kang kakayahan sa akin. Pero ano ang ginawa mo? Binigay mo sa iba ang posisyon ko? I already signed a contract pero sinira mo ‘yon? Ito na ‘yon, eh. . . ito na ‘yong paraan para mas sumikat pa ako, pero inagaw mo sa akin ang pagkakataon na ‘yon.” “Please let me explain, Aria. Hindi gano’ ‘yon. . . nagmamadali kasi sila na matapos na ang advertisement. Eh, nagkataon na nagpapahinga ka pa. Kailangan na nilang gawin ang shooting kaya naghanap ako ng kapalit mo.” Napabuga na lang ng hangin si Alexa. Para sa kaniya, hindi katanggap-tanggap na rason ‘yon. “Isang araw lang ang hiningi namin sa’yo, Miss Olivia para makapagpahinga ako. Bukas puwede ko naman gawin ‘yon, pero sige tatanggapin kong rason ang sinabi mo. You will pay all the damages you’ve caused. And I want you to terminate my contract with your agency. Dahil simula ngayon, hindi na ako parte ng kompanya mo,” mariin na pagkasabi ni Alexa saka niya iniwan si Miss Olivia. Tinawagan ni Alexa si Valerie na kaibigan niya para samahan siya magdrama sa isang bar. Naging kaibigan niya si Valerie no’ng na-heartbroken ito. Lasing si Valerie noon sa isang bar at saktong nag-pa-part time job si Alexa bilang waitress. Pinagkakaguluhan kasi si Valerie ng mga kalalakihan kaya pinagtanggol niya ito. No’ng malaman ni Valerie ang nangyari ay gusto na niyang maging kaibigan si Alexa. ‘Yon ‘yong panahon na nagsisimula pa lang bilang artist o model si Alexa. Pagdating ni Valerie ay agad niyang kinuwento lahat ng nangyari sa kaniya ngayon. “Alam mo, Valerie, ang swerte mo. Kumpleto ang pamilya, mayaman at sikat na artista. Pero ako? Ulila sa mga magulang, maraming problema, at kahit anong gawin kong pagkayod, kulang pa rin, eh.” Sumimsim ng red wine si Valerie saka nilatag sa mesa. “Eh, ang tagal ko nang sinabi sa’yo na mag-apply ka entertainment namin. Madali ka lang makakapasok do’n basta ako.” Marahang tumawa si Alexa. Matagal na kasi siyang inaya ni Valerie na sa Big Label Entertainment na lang siya mag-apply pero tinanggihan niya ‘yon dahil mas gusto niyang paghirapan niya ang pagsikat niya. Malaking entertainment company ang Big Label. Lahat ng mga artista do’n ay talagang sumisikat. Inaalagaan kasi ng kompanya ang mga artist nila, hindi gaya sa agency ni Alexa. “Alam mo naman na hindi gano’n ang gusto kong mangyari. Ayoko ng instant famous, gusto ko ‘yong pinaghirapan ko.” Huminga nang mallaim si Valerie. Kahit anong pilit niya na isali si Alexa sa Big Label, hindi niya ito makumbinsi dahil sa prinsipyo nito. “Sige ganito na lang. May ongoing na search for the next artist ang Big Label, gusto mo do’n ka na lang sumali? At least do’n, hindi instant, talagang paghihirapan mo ‘yon.” Napataas nang bahagya ang gilid ng labi ni Alexa. Naningkit ang mata niya dahil hindi siya naniniwala dito. Natawa na lang si Valerie sa reaksyon ng kaibigan. “Wala ka bang tiwala sa akin? Hindi ko sasabihin sa kanila na kaibigan kita. At lalong-lalo na walang special treatment. Ano? Go ka ba? Bukas puwede kang pumunta.” Ngiting tumango lang si Alexa. Ayos na para sa kaniya na sumali sa search for the next Big Label artist. At least do’n mapapatunayan niya sa mga tao na may maibubuga pa siya. Kinabukasan ay maaga siyang pumila para sa screening. Mabuti na lang talaga ay nasa unang batch siya sa araw na ‘yon. Nagulat siya dahil sa sobrang haba ng pila sa labas ng studio. Grabe! ‘Yong iba ay do’n na natulog sa pilahan para lang mauna sa unang batch. Kinausap ni Alexa ang ilang mga aspiring artist. ‘Yong iba ay lumipad pa galing Visayas at Mindanao makaabot lang sa audition. “Hala! Si Aria ‘yon, ah?” pagtuturo ng isang babaeng nakapila kay Alexa. Napayuko na lang si Alexa at tinatago ang mukha gamit ang suot niyang sombrero. Nagkagulo bigla ang mga tao nang marinig ang sinabi ng babae. Tuwang-tuwa ang karamihan dahil sa presensya niya, ngunit may ilan na nainis dahil over qualified na raw siya para dito. “Bakit ba sumali ka dito sa audition? Eh, hindi ba’t artista ka na?” naiinis na tanong ng isang maarteng babae. Maganda naman pero ang pangit ng ugali. Napataas na lang ng kilay si Alexa. “Bakit? May inispecify ba ang Big Label na dapat hindi kasali ang mga artista na? Gusto ko kasi pumasok sa Big Label, ano bang problema do’n?” ani Alexa habang nagpipigil siya sa babaeng kausap niya. “Wala naman sinabi ang Big Label, pero hindi ba dapat give chance to others? Oh baka naman uhaw ka sa popularity? Na gusto mong mas sumikat ka pa lalo under Big Label?” Napabuga ng hangin si Alex at nang magsasalita na sana siya ay tinawag na siya ng staff para pumasok na sa loob ng audition room. “Miss Alexa Cruz?” tawag ng staff dito. Nagsilingon ang mga nakapila kay Alexa dahil ngayon lang nila ito narinig ang totoo nitong pangalan. Habang naglalakad si Alexa patungo sa kuwarto ay ginala niya ang tingin sa mga nag-au-audition at masid niyang masama ang tingin ng mga ito. Pinagsisihan niya tuloy ang hindi pagtanggap sa offer ni Valerie kaysa dumaan pa sa audition. Huminga nang malalim si Alexa saka pumasok ng kuwarto. No’ng nasa loob na siya ay nanlaki ang mata niya nang makita ang pamiyar na mukha na nakaupo sa mahabang lamesa. Si Stell ay isa pa lang judge sa search for the next artist ng Big Label. Napabuga siya ng hangin nang magtama ang mata nila. Kung minamalas nga naman!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD