Chapter 3

2498 Words
UMILING si Alexa upang iwaksi sa isip niya ang pangyayaring ‘yon. Kailangan niyang maging professional sa harap ni Stell. Iniisip niyang trabaho lang ‘to, walang personalan. Patuloy siyang naglakad hanggang sa marating niya ang altar. Napatingin si Alexa at napansin niyang nagulat din si Stell sa muli nilang pagtatagpo. Heh. And now we meet again, Stell. Hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa mo sa akin. Guwapo ka pa rin, walang pinagbago. Pero hindi ‘yon hadlang para mas lalo kitang kamuhian. Hilaw na ngiti ang binigay ni Alexa nang hawakan niya ang braso ni Stell at kapuwa humarap sa altar. Sinabayan niya lang ang usual na ginagawa sa kasal. Hindi na namroblema si Alexa sa exchanging vows dahil saulado na niya ang binigay sa kaniya ng scriptwriter. Habang patuloy ang seremonya, lihim na ginala ni Alexa ang tingin niya sa loob ng simbahan. Very unusual dahil hindi niya mahanap ang mukha ng direktor niya, wala rin ang mga staff pati ang manager niyang si Miss Olivia. Nasa’n na kaya sila? Imposibleng hindi sila magpakita. “Parang may mali. . .” usal ni Alexa sa isip niya. Sa kabila ng pagdududa niya ay pinagpatuloy niya ang pagpapanggap bilang bride, baka masyado lang siya nag-o-overthink. “I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride,” ngiting sabi ng pari kaya namilig ang mata ni Alexa. “Teka, sandali! H-Hindi ako ready!” kabadong wika niya sa isip. Napapikit na lang ng mata si Alexa. Alam naman niya na hahalikan siya ng groom pero hindi niya matanggap na si Stell ang gagawa no’n. Napalunok na lang siya saka nang buksan niya ang mata niya ay bumungad sa kaniya ang seryosong mukha ni Stell na halatang kabado rin. Umiling lang si Alexa senyales na h’wag na itong ipagpatuloy. Dalawang minuto na ang nakalipas ngunit nagtitigan pa rin ang dalawa. Dahil do’n ay tumikhim ang pari saka nagsalita. “Nagkakahiyaan ata ang dalawa,” ngiting sabi ng pari. Binaling ng pari ang tingin kay Stell. “Mr. Montreal, ang sabi ko, you may now kiss the bride,” dagdag na sabi ng pari nang ilahad ang kamay nito sa direksyon ni Alexa. Napalunok si Stell saka nilingnon ang pari. Umiling siya dito kaya napataas ng kilay ang pari senyales para halikan na ang bride. Binaling ni Stell ang tingin niya sa secretary na nasa front seat. Tumulo ang pawis sa gilid ng mukha ni Stell dahil sa kaba. Magagawa niya kayang lokohin si Alexa? He had no choice. Napatingin siya sa direksyon ng mga board of directors na nakaupo sa left side. They are waiting for the wedding kiss. Ang ibang mga bisitang VIP ay tila nababagot na sa tagal ng seremonya, naiinitan ang mga ito kaya todo ang pag paypay nila gamit ang hawak nilang program card. Kailangan nang madaliin ni Stell ang seremonya dahil masisira lang lahat ng plano niya. Hindi na nag atubiling halikan ni Stell ang mga mapupulang labi ni Alexa. Labag man sa loob niyang gawin ‘yon, wala siyang ibang paraan kundi tapusin na ang seremonya. Napapigil ng paghinga si Alexa kasabay ng pamimilog ng mata niya nang mangyari ‘yon. She didn’t expect that Stell would kiss her! Sa dami ng actor na humalik sa kaniya sa screen, only Stell gave her butterflies on her stomach. Umiling siya dahil para sa kaniya ay isa ‘yong malaking pagkakamaling naramdaman niya sa puso. That was an unacceptable feeling! Malakas na palakpakan ang narinig ni Alexa pagkatapos ang wedding kiss. Ilang sandali pa ay umupo silang dalawa at nilatag ang tantya niyang marriage contract. Hawak na niya ang ballpen at bago pa niya ito pirmahan ay napahinto siya. She scanned the contract at hinanap niya ang pangalan niya. Nakupirma niyang fake marriage contract ito dahil nakasaad sa kontrata ang buo niyang pangalang Alexa Cruz. Sino ba naman na hahayaan siyang pipirma ng totoong marriage contract? Kaya agad niya itong pinirmahan. Ilang sandali lang pagkatapos niyang pirmahan ang kontrata ay bigla na lang sumugod ang isang staff ng direktor sa loob ng simbahan at hinahanap siya. “Nasa’n si Miss Aria?” tanong ng babae sa isang bisita ngunit hindi ito nakasagot. Ginala na lang ng babae ang paligid at nang matuntunan niya si Alexa sa altar ay agad siyang lumapit dito. “Miss Aria!” wika muli ng babae. Napatindig si Alexa nang marinig ang screen name niya. Nakita niya ang papalapit na tantya niyang staff ng direktor. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lang siya kakausapin nito, wala naman siyang narinig na cut mula sa direktor para huminto sa ginagawa niya. “Bakit? May problema ba?” tanong ni Alexa sa babae. Humugot ng malalim na hininga ang babae saka mabilis na pinasada ang tingin sa mga bisita hanggang sa mapagtanto niyang kasama ni Alexa ang sikat na artistang si Stell. Napatakip siya ng bibig kasabay ng paghigit niya ng paghinga, alam na niyang isang pagkakamali ang pinasukan ni Alexa. Napataas ng kilay si Alexa dahil sa kakaibang kinikilos ng babae. Mas lalo siyang naguguluhan sa nangyayari ngayon. Unang-una, hindi niya mapagtanto kung nasa’n ang direktor, wala rin ang mga staff at dalawang cameraman lang ang nakikita niya. Pangalawa, tama naman ang lugar na sinabi ni Miss Olivia kung saan gaganapin ang shooting pero alam niyang parang may mali. “What’s the problem?” muli niyang tanong sa babae. Lumapit ang babae kay Alexa at bumulong ito. “Kanina ka pa tinatawagan ni Miss Olivia, hindi ka raw sumasagot.” “Pasensya na, naiwan ko kasi ang cell phone ko sa bridal card. Ano ba talaga ang problema?” Bumuntong hininga ang babae saka siya muli nagsalita. “Eh. . . nilipat nila ang venue sa shooting dahil nga may nauna na pala sa reservation. Nagkamali ka ng pagpasok mo sa simbahan, Miss Aria. Hindi ikaw dapat ang bride dito.” Nanlaki ang mata ni Alexa sa narinig niya. Nagsitindig din ang mga balahibo niya sa nalaman niya. Paano niya mababawi ang pagkakamaling ito kung nakapirma na siya ng kontrata? Hindi ito puwedeng mangyari! “A-Anong sabi mo? Ibig sabihin no’n. . .” Napatingin si Alexa kay Stell at napansin niyang pinagpapawisan ang binata sa kaba. “. . .hindi ako ang bride mo?” dugtong na sabi ni Alexa kay Stell. Tumango lang si Stell at dahil do’n ay biglang nawalan ng malay si Alexa saka bumagsak ito sa sahig. Agad naman binuhat ni Stell si Alexa. “Marcus, pakihanda ang sasakyan. Dadalhin natin siya sa Bethany Hospital,” ani Stell sa secretary niya. *** NAGKAKAGULO sa set dahil tatlong oras na nag-aantay ang direktor kay Aria. Agad na lumapit ang staff at kinausap si Miss Olivia. “Miss Olivia, nakausap niyo na po ba si Miss Aria? Naiinis na si Direk Gab, baka mamaya niyang masayang lang lahat ng pinaghirapan niya. Malaking project ito, bagot na bagot na siya kahihintay kay Miss Aria,” nababahalang sabi ng babaeng staff. Huminga nang malalim si Miss Olivia. Kanina pa niya tinatawagan si Alexa ngunit hindi ito sumasagot. Biglaan din kasi ang paglipat nila ng venue sa shooting dahil may nauna na raw sa reservation. “Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi siya sumasagot. Inutusan ko ang isang staff a pumunta sa San Agustin Church, baka sakaling nando’n si Aria.” Bumuntong hininga si Miss Olivia. Alalang-alala siya kay Aria, baka napahamak na ‘yon. Maya-maya pa ay dumating ang babaeng inutusan niya. Bakas sa mukha nito na tila bang may masamang nangyari sa alaga niya. “Miss Olivia!” hingal nitong sabi nang lumapit ang babae sa kaniya. “Ano? Nasa’n na si Aria? Nahanap mo na ba?” Huminga nang malalim ang babae. “Nasa ospital po si Aria.” Nanlaki ang mata ni Miss Olivia. Ito na nga ba ang sinasabi niya, napahamak nga talaga si Aria. “Ha? A-Anong nangyari at bakit naman mao-ospital si Aria? Naaksidente ba siya? Ano? Sabihin mo sa akin!” nag-aalalang sabi ni Miss Olivia. Lumapit ang mga kasamahan nila kay Miss Olivia kasama si Direk Gab para alamin ang totoong nangyari. “Sharmaine, sabihin mo na sa amin ang nangyari kay Aria. Anong nangyari at bakit nasa ospital siya ngayon?” tanong ng direktor. Napalunok ng laway si Sharmaine nang maalala niya ang sinabi ni Stell bago pa dalhin sa ospital si Alexa. “Please don’t tell anyone about this. Nakikiusap ako sa’yo.” Ito ang tumatak sa isip ni Sharmaine nang humingi nang pabor si Stell. She’s a big fan of Stell at dahil once in a lifetime niya lang nakausap ito, plus points pa na humingi ito ng pabor sa kaniya, gagawin niya ‘yon. “Uh. . . kasi po. . .” “Ano?” taas kilay na wika ni Miss Olivia habang inaabangan ang sasabihin ni Sharmaine. “K-Kasi nahimatay siya sa sobrang init kahihintay sa inyo. Wala na siyang malay pagdating ko do’n.” Napatakip ng bibig si Miss Olivia, hindi lang siya ang nag-aalala para kay Miss Aria, kundi lahat ng staff pati si Direk Gab ay nagulat sa nangyari. “Jusko! So, nasa’n na ngayon si Aria? Saang ospital siya?” pag-aalalang tanong ni Miss Olivia. Namilog ang mata ni Sharmaine dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot niya dito. Bigla na lang niya naalala ang sinabi ni Stell sa secretary nito. “Sa. . . sa Bethany Hospital siya ngayon,” agad niyang pagsagot dito. Kaagad na pumunta si Miss Olivia sa ospital. Dahil sa nangyari ay pinostponed ni Direk Gab ang shooting, i-reschedule na lang niya ito kapag maayos na ang lagay ni Aria. Kasalanan din kasi ng locator nila kaya umabot sa ganito ang sitwasyon ng actress. *** DAHAN-DAHANG napadilat ng mata si Alexa at bumungad sa kaniya ang puting ilaw sa kisame. Napaangat siya ng kamay at napansin niya na may nakakabit na pa lang swero dito. Naalala niya bigla ang nangyari kanina. Akmang babagon siya sa kama ngunit biglang nanghina ang katawan niya. “H’wag mo nang pilitin ang katawan mo. Magpahinga ka muna.” Napaigtad si Alexa nang makita niya muli ang imahe ni Stell na nakaupo sa sofa. Tiningnan niya ito ng masama dahil sa nangyari. “Kung sinabi mo lang sana kanina na hindi ako ang bride mo, hindi sana ito mangyayari. Masaya ka na? Pagkatapos mong pagnasaan ako no’ng gabing ‘yon, nanakawin mo naman ang kalayaan kong maging single?” Huminga nang malalim si Stell. Alam naman niyang kasalanan niya pero kailangan niyang gawin ‘yon para sa kompanya. “I’m sorry, Aria. Pero para sa akin, hulog ka ng langit.” Nanlaki ang mata ni Alexa saka siya napabuga ng hangin. Maingat na bumangon siya sa kama at umupo rito para harapin si Stell. “Ako? Hulog ng langit? Paano?” sarkastikong tanong niya nang ituro ang sarili. “Dahil ikaw si Alexa Cruz. Akalain mo ‘yon, nag-backout ang fake bride kong si Alexa Cruz, at may isang bride na kapangalan ng fake bride ko ang dumating. Ikaw ang pinalit ng Diyos sa kaniya. Hindi ba’t himala ‘yon?” Pinatunog ni Alexa ang dila niya at sarkastikong tumawa. “Dinamay mo pa ang Diyos. Oo nga, himala nga para sa’yo ‘yon, pero sa akin, malas ‘yon! Akala ko kasi nasa shooting ako. Kaya pala walang masyadong camera sa simbahan dahil totoong kasalan pala ang pinuntahan ko, at dinamay mo ako.” “Oh sige na! Pinapatawad na kita. Pero kailangan mong i-void ang kasal natin. Magpa-annul tayo,” dugtong na sabi ni Alexa. “Ayoko,” madiin na pagsagot ni Stell kaya halos mailuwa ni Alexa ang mata niya. Bumaba siya ng kama at napasigaw sa gulat. “Ano?! Ayaw mong magpa-annul tayo? Huy, Stell! Unang-una sa lahat, malaki pa ang atraso mo sa akin sa pananamantala mo no’ng lasing ako. Pangalawa, itong pagkakamali mo pang kunin ako as substitute fake bride mo. Tapos ito ngayon? Hindi ka papayag sa annulment? Aba’t! Kotang-kota ka na, ah!” Huminga nang malalim si Stell at tumindig sa kinauupuan niya saka nilapitan si Alexa. “Alam kong nagkamali ako sa’yo, Miss Aria. But I can’t give up this marriage.” Bahagyang napaatras si Alexa sa sinabi nito. Kumunot ang noo niya sa isiping baka kinababaliwan na talaga siya ni Stell. Naisip din niyang baka may gusto pala ito sa kaniya. Malakas na pag halakhak ang ginawa ni Alexa. ‘Yong halakhak na may pinagmamalaki siyang ganda. “Sagutin mo ako, may gusto ka ba talaga sa akin, Stell? Now I understand. ‘Yong akala kong pinagtagpo tayo ng tadhana, pero hindi pala, dahil gustong-gusto mo ako. Dahil ba do’n sa nakita mo ang sexy kong katawan no’ng gabing ‘yon, ha?” Napalunok na lang ng laway si Stell nang maalala niya ‘yon. Wala lang talaga siyang choice kundi bihisan si Alexa. Pinilig ni Stell ang ulo niya saka siya nagsalita. “What are you talking about? Hindi gano’n, Miss Aria. Ang ibig kong sabihin, kailangan kita as my fake wife. I’m now facing a big problem. The board of directors requires me na maikasal ako sa lalong madaling panahon, baka kasi tanggalin ako sa posisyon as CEO.” “Eh, hindi ko naman ‘yon problema, Stell, bakit mo ako idadamay dito? Ano na lang sasabihin ng iba kapag malaman nilang kasal na tayo? Imposible naman kung magtatago tayo sa mata ng media. Ganito na lang, maghanap ka ng bagong Alexa Cruz. Sa yaman mong ‘yan, syempre madali lang ‘yon sa’yo. Napaka-common ng pangalan ko dahil ilang beses na ako na-hit sa NBI. At siguro naman, hindi mauubusan ng pangalang Alexa Cruz sa bansa natin o kahit sa ibang bansa. Oh ano? Gagawin mo ba?” “No. Because I want to keep you as my wife,” tugon na sabi ni Stell saka nahihiyang ngumiti ito. “That’s the only way for me to keep my position. Please be my wife, Miss Aria,” dagdag pa nitong sabi. Natigilan si Alexa at muli siyang nakaramdam ng kuryente sa katawan niya. Agad niyang iwinaksi ang damdaming ‘yon. Pero kahit anong pilit niyang iwasan ‘yon, bumibilis ang t***k ng puso niya lalo pa’t makitang ngumingiti si Stell. Tama nga ang nabasa niya sa survey that Stell Montreal is the most handsome face in the Philippines. “Ang rupok mo talaga, Alexa. Tumigil ka na nga!” aniya sa isip. “I’m sorry, Miss Aria. Look, I am willing to give you an offer.” Bumalik sa huwisyo si Alexa nang marinig niya ang katagang offer. “Anong offer?” kunot-noo niyang tanong. “I will pay you ten million pesos just to keep this marriage.” Napanganga na lang si Alexa sa gano’ng kalaking halaga. Nangangailangan din ng pang-tuition fee si Margaret at marami na rin siyang utang na hindi pa nababayaran. Kung tatanggapin niya ang offer, mas mapapagaan nito ang buhay niya. Pero kailangan niya muna itong pag-isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD