“GOOD job! Magaling! Iyan ang matagal ko nang hinihintay na pagkakataon, ang magpatayan kayong dalawa!” mala-demonyong sambit ng don, bagay na nagpatigil sa pagpapalitan ng bala ng kambal. “Daddy?!” “Don Fred!” Sabay pang sambit ng dalawa pero malakas na palakpak lamang ang isinagot nito habang naglalakad palapit sa kanila na ngayon ay kaunting distansiya na lamang ang pagitan habang parehas na nakatutok ang hawak na baril. “O, sabay pa talaga kayong dalawa, ha? Tsk! Kung bakit pa kasi kayo naging magkadugo, eh,” ismid nito, bagay na muling pumukaw sa naaaburidong isipan ni Jhay-R. “Daddy, ano’ng ibig mong sabihin?” manghang tanong nito. “Jhay-R anak, aba’y akala ko ba handa mo siyang patayin sa harapan ko mismo kapalit ng buhay ni Nana? Ano pa’ng ginagawa mo? Go pull the trigger of