ANG lahat ng pagmamadali ng lima ay nauwi lamang sa pagmumura ng mga kaibigan ni Phillip. “Akala ko ba sigurado kayong nandito ang Poncio Pilatong pulubi na ’yon? But where is he now?” kunot-noong tanong ni Princess dahil wala naman silang nadatnang tao. “Hindi namin alam, Attorney Harden. Sa tuwing gusto niyang mapag-isa, dito lang ’yon napapadpad but I don’t know why he’s not here,” aburidong tugon ni Joe. “Ganito na lang, guys. Ano kaya kung magsumbong na lang tayo sa mga pulis? Hindi ba’t mga alagad din kayo ng batas? Baka matulungan nila tayo sa paghahanap sa kapatid ko?” Gracelyn said pero halos mapatalon siya sa gulat nang magsalita si Leo. “Alam mo, Attorney Sandoval, kung wala ka lang ding maisip na mabuting gawin, maaari bang manahimik ka na lang muna? Para sa kaalaman mo, al