ALTHEA POV Sumakay agad ako ng kotse. Napatingin ako sa pinto ng cafe kung saan kakalabas lang nila Lei at Sean. Umandar na ang sasakyan. Tahimik naming binabaybay ang daan pauwi. "Nagkita kayo?" Tanong ni jason na syang kinalingon ko sa kanya. "Yes, katulad ng gusto mo. Iniiwasan ko siya." Tumango-tango si Jason. "That's good." Simpleng sagot niya. Nakarating din kami ng bahay. Agad akong lumabas ng kotse at pumasok na sa loob ng bahay. Sumalubong sa akin ang kambal at mahigpit akong niyakap. Pinugpog ko ng halik ang dalawa. humalakhak si Ari at kiniss ako sa pisngi. "Saan ka galing mommy?" Hinaplos ko ang mukha ni ari. Naupo kami sa sofa at maingat syang binuhat at inupo sa hita ko. "Nakipagkita ako sa mga kaibigan ko." Sagot ko. "Ganun po ba mommy." Nakangiting sagot ni ar