ALTHEA POV "Tama na please!" sigaw ko dalawa na hindi matigil sa palitan ng suntok sa isa't-isa. Kanina ko pa sila pinapatigil pero hindi ko magawa. Ngayun nakaibabaw si sean kay jason at sunod-sunod na suntok ang iginawad niya kay Jason. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hanggang sa hindi ko na kaya ang ginagawa ni sean. "Please sean tama na. Huwag mo syang sasaktan." Pagmamakaawa ko. Nakikita kong sobrang nasasaktan na si Jason. Napahinto sandali si Sean para tignan ako. Madilim ang anyo nito. Binalingan niya si Jason at muling itinuloy ang ginawa. "Tama na! Baka mapatay mo ang kuya ko!" Sigaw ko sa kanya. Nakaangat sa ere ang kamao ni Sean na hindi natuloy dumapo sa mukha ni Jason. Itinulak ko si Sean at tinulungan si jason na tumayo. Pinahid ni jason ang dugo sa gili