SAVANNA’S POV NANG IBIGAY ko sa kanila ang order ay biglang nagsalita si Aldrich. “Nakita mo ang fake news na nagkakalat ngayon?” “A-Anong fake news?” Sumingit sa usapan si Lyla. “Ah! ‘Yong sa fake news tungkol sa babaeng kasama mo sa Motel?” Nanlaki ang mata ko dito hindi dahil tungkol sa fake news kundi alam kong may sasabihin siya tungkol dito. “Yes. That was Savanna.” Napahigit ako ng paghinga. Bakit kailangan pa niyang sabihin sa amin ‘to? “Wait. Savanna? ‘Yung babaeng nagbigay ng bad review sa Dating App mo?” “Yes. Nasiraan kami ng sasakyan no’n at malalim na ang gabi kaya naghanap kami ng matutuluyan. We have no choice na mag-motel kami at...” Napatingin si Aldrich sa akin. No. Please don’t tell them na iisang kuwarto lang tayo no’n! Nang magsasalita na siya ay bigla a

