SAVANNA’S POV NAG-TEXT na sa akin si Aldrich kung saan kami magkikita. Nakapag-desisyon na akong sasabihin ko na sa kaniya ang totoo. Ayoko nang magsinungaling dahil mas lalo akong mahihirapan nito. Hindi ko na sinuot ang pang-disguise ko dahil haharapin ko siya bilang ako. Sa restaurant muli kami ni Aldrich magkikita. Pagdating ko do’n ay nagtaka ako dahil wala pa siya. Usually, kasi ay palagi siyang nauuna. At isa pang napansin ko, bakit walang customers? Sarado ba? Ano kaya nangyari dito? Kaagad akong sinalubong ng mga staff pagdating ko sa loob. “Sarado po kami ngayon, Ma’am. Hindi po kayo puwedeng pumasok dito," wika ng babaeng waitress. “Uh, ako po ang ka-meet up ni Sir Aldrich,” tugon kong sabi dito. Napatingin ang babae sa akin mula ulo hanggang paa. Inusisa niya ang hitsura

