SAVANNA’S POV DI KO in-e-expect ang sunod niyang reaksyon nang muli siyang tumawa. Pinulot ko ang ID ko saka ako nagsalita. “Anong nakakatawa do'n?" asar na tanong ko sa kaniya. Hindi ko alam pero nasaktan ako sa tawa niya. Sumusobra ka na, Aldrich! “B-Bakit mo pinakita sa akin ang Postal ID mo? Sa tingin mo maniniwala ako dahil pareho kayo ng pangalan at apelyedo? Malay natin baka may iba pang Savanna Gomez sa Pilipinas? Niloloko mo ba ako?" Napakagat ako ng ibabang labi dahil quota na siya sa pang-aasar sa akin. Kinuyom ko ang kamay ko saka ako napalunok ng laway. “Okay. Kung ayaw mong maniwala, hindi ko pipirmahan ang kontrata mo. At hindi rin ako pipirma ng non-disclosure agreement. Bakit naman ako pipirma? Basta kasunduan natin magbabayad ako ng twenty percent kapag nahanap ko s

