LAKING kinagulat ni Aldrich pagkauwi niya sa condo dahil binisita siya ng kaniyang mga magulang. Unang bumungad sa kaniya ang presensya ng kaniyang mommy. “Mom?” At saka nakita niya si Chairman Marcellus na nakaupo sa sofa. “What are you two doing here?” gulat na tanong ni Aldrich. Ngumiti lamang si Gretchen. “Anak.” At saka lumapit ito kay Aldrich at hinagkan. “Wala lang. Na-miss ka lang namin. Nagdala ako ng paborito mong pagkain, ang mechado.” Binigay ni Gretchen ang bag ng pagkain kay Aldrich at marahang kinuha ‘yon ni Aldrich. “Thank you.” Tumindig si Chairman Marcellus at saka lumapit sa anak. “Aldrich, please go home. We can start again. Magsisimula tayo.” Nilatag ni Aldrich ang bag sa lamesa. “Hindi ako uuwi ng bahay, Dad. Kasi busy ako sa negosyo ko.” “Hindi kita pipil

