SAVANNA’S POV PINAGBUKSAN kami ni Elmo ng sasakyan pagdating niya. “Sorry po kung na-late ako,” paumanhin niya sa amin. Umalis si Elmo kanina gamit ang sasakyan ni Aldrich dahil may inutos si Aldrich dito tungkol sa business. Hindi ko na tinanong kung bakit dahil wala naman akong alam tungkol do’n. Habang nasa byahe kami ay hindi ko maiwasan na hindi mapatingin sa digital camera malapit kay Elmo. Tatanungin ko sana kung bakit may dalang camera si Elmo pero naisip ko na baka isipin ni Aldrich na nangingialam ako sa buhay niya. Napapigil ako ng paghinga nang biglang sumagi ang kamay ko sa kamay ni Aldrich sa upuan. Kaagad kong nilayo ang kamay ko rito. Hindi ko alam kung bakit bumilis ang t***k ng puso kong maalala nang hinawakan niya ang kamay ko kanina. Pinilig ko ang ulo ko dahil impo

