3RD PERSON POV "IBABA mo na lang ako sa kanto," ani Savanna kaya huminto ang sasakyan ni Aldrich. Hindi kumibo si Aldrich nang bumaba si Savanna. Pagkababa ng dalaga ay hinampas ni Aldrich ang manibela niya sa kahihiyan. Hiyang-hiya siya sa ginawa niya. Bakit ba sinagot niya ang mga tanong na 'yon? Pumikit siya saka binaon ang mukha sa manibela. "This is all your fault, Aldrich." Sinisi niya ang sarili niya dahil hindi na siya kinikibo ni Savanna kanina habang nasa byahe. Kalaunan ay napatingin siya sa labas nang biglang bumuhos ang ulan. Tumalikod siya at nakita niyang nababasa na ng ulan si Savanna. Kaagad niyang kinuha ang pulang payong sa back seat at mabilis na bumaba ng sasakyan. Tumakbo si Aldrich at wala siyang pakialam kahit maulanan siya basta't maabot niya lang kay Savan

