SAVANNA'S POV LUMAPIT kami sa kanila at nakiramay. "Nakikiramay po kami," ani Tatay Noel saka hinawakan ang kamay ng mga naulila. "Maraming salamat po," wika ng kapatid ni Elaine. Hindi ko maalis ang tingin namin ni Elaine sa isa't isa dahil di kami makapaniwala sa nangyari. "Nakikiramay ako, Elaine," aniko sa kaniya saka ko hinawakan ang kamay niya. "Salamat, Savanna," malungkot na utas niya. Nakito ko ang mugto niyang mata na halatang walang humpay itong umiyak. "Magkakilala pala kayo?" tanong ni Tatay Noel. "Opo, Tay. Classmate ko siya no'ng college ako." Pinakilala ako ni Tatay Noel sa mga naulila kasama si Elaine. "Si Savanna pala, pinsan niyo." Nagulat si Elaine nang malaman niyang mag-second cousin kami. "Pasensya na sa nangyari noon," paumanhin niya sa akin saka si

