SAVANNA’S POV NAPADILAT ako ng mata nang mabasa ko sa cellphone ni Lyla ang news article na pinakita niya sa akin. “Ghurl! Trending kayo ni Aldrich!" pabulong na wika niya kaya nabahala ako pagkatapos ay napatingin ako sa puwesto ni Aldrich. Tanaw kong nagulat din siya sa nakita niya nang ipakita ng babaeng kasama niya ang news article na ‘yon. Napatakip ako ng mukha at saka pinisil-pisil ko ang pisngi ko. “Kaya pala hindi ka nagparamdam sa akin no’ng gabing ‘yon! Akala ko ba ikukuwento mo sa akin ang nangyari?" galit tonong reklamo niya sa akin. “Pasensya ka na, Lyla. Sasabihin ko naman talaga sa’yo ang nangyari.” Nakita ko ang mapang-asar niyang titig sa akin. “Bakit? May nangyari na ba sa inyong dalawa no’ng pumasok kayo ng motel?” tanong niya sa akin. Ilang sandali pa ay big

