SAVANNA'S POV LUMAYO ako kay Aldrich at lumabas ako ng venue hanggang sa napunta ako sa may fountain. Nilinga ko ang paligid ko at wala akong nasumpungang tao rito. Huminga ako nang malalim at pinakalma ang sarili. Nakatatak pa rin sa isip ko ang nangyari kanin. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Binuksan ko ang cell phone ko at in-open ang conversation namin ni Lary Gold. Napabuga ako ng hangin at marahang tumawa na parang nababaliw. "Si Aldrich at Lary Gold ay iisa?" Biglang tumindig ang balahibo ko at saka naisip kong baka alam ni Aldrich na ako si Annaliza? Umiling ako. Dapat mag-iingat na ako sa susunod na mag-usap kami sa chat. Kalaunan ay lumabas ng venue si Aldrich at hinanap ako. Nang makita niya akong nakaupo sa fountain ay agad siyang lumapit sa akin. "Kanina pa kita h

