SAVANNA'S POV TINAWAG ng host si Serenity sa stage. "Ngayon ay pakinggan naman natin ang isang awit ni Serenity. Alam naman natin kung gaano kalakas ang impact niya sa atin no'ng high school. Marami ang humahanga sa kanya dahil sa ganda at talino, isa na ako ro'n." Marami ang sumigaw, tumili at kinilig nang umakyat si Serenity. "Maraming salamat, Miss Xyrel. Gusto ko lang batiin lahat ng mga dumalo sa reunion natin. Masayang-masaya ako dahil hindi niyo ako nakalimutan na umuwi pa ako dito para sa reunion. At lahat kayo ay imbitado sa kasal namin ni Ellion next month." Sumigaw, tumili at kinilig ulit ang mga tao na animo'y para siyang artista. "This song is dedicated to my one and only future husband, Ellion." Nagsimulang tumugtog ang musika at saka niya kinanta ang You are the Re

