SAVANNA'S POV NASA bahay ako ni Lyla dahil dito ako natulog pagkatapos ng reunion nina Aldrich kagabi. Tulalang nakaupo sa sofa habang katabi ko siyang nanunuod ng The Legal Wife ni Angel Locsin. "Masarap ba? Masarap ba yung asawa ko? Masarap ba?" Hinipo ko ang mga labi ko at bigla kong naalala ang mga nangyari kagabi. Mga sigaw, tilian at ang lakas ng pagtibok ng puso ko sa ginawa ni Aldrich. "Masarap nga," usal ko dito kaya lumingon si Lyla. "Anong sabi mo?" Nanlaki ang mata ko kaya binaba ko ang kamay ko. "M-Masarap ka sampalin si Maja kasi nangingigil ako sa kaniya," palusot kong wika pero tiningnan lang ako ni Lyla. "Tell me, ano nangyari kagabi? At bakit dito ka natulog? I mean wala namang kaso kung dito pero nagtataka lang ako." Pinili kong matulog sa bahay ni Lyla kas

