SAVANNA'S POV NANDITO ako ngayon sa Bristo de Manila nag-aayos ng mga orders nang dumating si Aldrich. Kalma lang, Savanna. Isipin mong walang nangyari sa inyo ni Aldrich. "Ano order mo?" nahihiyang tanong ko sa kaniya. "One Americano please," tugon niya kaya agad akong nai-punch ang order niya at binigay kay Ricca. "Next in line," aniko pero di umaalis si Aldrich. "I want to talk to you..." Napatingin siya sa likuran niya at napansin niyang marami ang nakapila. "...later after your work. I have something to say," dagdag niya. "Uh, s-sige," nauutal kong sagot sa kaniya. Matapos niyang makuha ang order ay biglang may pumasok na isang magandang babae. Suot ang puting blouse at fitted black pencil skirt. May black shades sa mata at matangakad sa suot na black stiletto. Wait... pa

