SAVANNA’S POV ANO na gagawin ko? Kilala ako ni Elaine and she’s working under Aldrich’s company. Paano na lang kung palagi ko siyang makakasalubong dito? At paano kung siya pa mismo ang magsabi ng katotohanan kay Aldrich? Napailing ako dahil hindi naman siguro mangyayari ang bagay na ‘yon, hindi ba? I should me more careful dahil alam kong isang maling galaw ko lang ay masisira ang matagal kong iniingitan—‘yon ang pangalan ko pagdating kay Aldrich. “Naiinis talaga ako sa babaeng ‘yon! Of all people here in Manila, bakit siya pa ang nasa kompanya ni Aldrich? Naku! Mag-iingat ka talaga, Savanna. Alam mo naman kung gaano kasama ‘yang Elaine na ‘yan!” galit na salaysay ni Lyla habang naghuhugas siya ng mga mugs at iba pang ginamit namin sa pagtimpla. Napapikit na lamang ako ng mata ang nang

