SAVANNA’S POV HINDI KO namalayang ang bilis ng takbo ng araw at linggo na pala ngayon. Humugot ako nang malalim na hininga saka ko binuksan ang maliit kong kabinet. “Ano kaya susuotin ko?" kamot ulong tanong ko sa sarili pagkatapos ay paisa-isa kong hinanap ang isang pulang bistidang niregalo sa akin ni Nanay no’ng birthday ko. Nang mahawakan ko na ang hanger ay agad kong nilabas ‘yon at nilapat sa katawan ko. Isang taon na rin kasi ito nakatago sa kabinet ko at never ko pa itong sinuot sa labas simula no’ng matanggap ko ito. Hindi na ako nagdalawang isip na sukatin ko muli ang damit na ito. Nang mangyari ay napabuga ako ng hangin nang matantuang medyo masikip na pala siya sa akin. “Tumaba nga ako,” reklamo kong sambit sa sarili ko habang nakatingin ako sa salamin suot ang pulang

