3RD PERSON POV KABADO nang bumaba si Savanna sa taxi saka siya huminga nang malalim. Napatingin siya sa kaniyang cellphone at tanaw niyang dalawampung minuto na lang bago mag-alas syete ng gabi. Napansin din niyang thirty percent na lang din ang batter ng cellphone niya. “Haays. Ba’t di ko ‘to na-charge?” tanong niya sa sarili saka niya pinasok sa maliit niyang bag ang cellphone. Pagdating niya sa loob ng restaurant ay agad siyang sinalubong ng mga staff at hinatid siya patungong puwesto nila. Nabaling ang tingin ni Aldrich nang maramdaman niyang parating na si Savanna. Nang makita niya ito ay napatayo siya at namangha dahil sa taglay na kagandahan nito. Hindi niya inakalang ganito pala ang histura matapos niyang maalala ang una nilang pagkikita. Lihim na napangiti si Aldrich at saka n

