3RD PERSON POV “PASENSYA na po talaga kasi iisa na lang ang kuwarto na available ngayon,” wika ng lalaking staff kaya napanghinaan ng loob si Savanna. “Anong klaseng bed room ang available?" tanong ni Aldrich dito. “Deluxe bed po. Medyo malaki po siya at may sofa po sa loob ng kuwarto.” “Okay. We’ll take it." Napadilat muli si Savanna at sabay na napatingin siya dito kay Aldrich. Walang imik na binayaran kaagad ng binata ang kuwarto at saka sinundan nila ang lalaking staff papunta roon. Hindi maiwasan ni Savanna na hindi kabahan dahil sa nangyayari. Ano kayang pumasok sa isip ni Aldrich na kunin ang kuwartong ito? May masamang balak ba ito kay Savanna o baka nagmamagandang loob lang? Pagpasok nila sa loob ay agad na binigay ng staff ang susi kay Aldrich. “Tawagan niyo na lang po ak

