3RD PERSON POV "Savanna!" sigaw ni Ismael kaya napatingin dito si Aldrich. Nanlaki ang mata niya nang makita niyang tumakbo ito palayo. Awtomatikong hinabol ni Aldrich si Savanna. Nang maabutan niya ito sa likuran ay saka siya nagsalita. "Savanna! Saan ka pupunta?" Napahigit ng paghinga si Savanna nang maramdaman niyang may tao sa likod niya. "Si... Aldrich?" usal niya sa isip. "Kailangan kong tumakbo nang mabilis," dagdag pa niya. Dahil sa adrenaline rush ni Savanna ay mas binilisan niya ang pagtakbo. Napalingon si Savanna kay Aldrich at ngumiti siya nang makitang malayo na ito. Huminto ng pagtakbo si Aldrich, saka siya sumigaw. "Savanna! Careful!" sigaw ni Aldrich nang malamang mababangga na ito sa nagbebenta ng taho. Nabitawan ng lalaki ang taho bago pa siya binangga ni Sava

