3RD PERSON POV HABANG nasa byahe ay nakita ni Ismael ang sugat na nasa bandang siko ni Savanna. "May sugat ka." Agad na inusisa ni Savanna ang siko niya. Nakita niyang may kaunting dugong ito pero hindi gano'n kasakit, kaunting hapdi lang naman. "Galos lang naman 'to. Ayos lang," ani Savanna. Imbis na didiretso sa bahay ay umikot ang sasakyan ni Ismael. Nanlaki ang mata ni Savanna sa ginawa ng binata. "S-Saan tayo pupunta?" "Sa ospital. Ipapagamot ko ang sugat mo," seryosong sabi ni Ismael. "Hala! Okay lang. Malayo naman ito sa bituka." "Malayo o malapit, kapag na-infection 'yan, lala 'yan. Ipapagamot na lang natin ang sugat mo para hindi na lumala." May kung anong pinindot si Ismael sa sasakyan na connected sa cell phone, tinawagan niya ang ospital. "May dala akong pasyente.

