3RD PERSON POV "ANO? May bisita tayo?" gulat na sabi ni Nanay Ely. "Opo. Si Aldrich po saka may kasama siyang kaibigan. Uhm... kailangan ko magligpit ngayon," natatarantang wika ni Savanna. Namilog ang mata ni Nanay Ely dahil makikita niya muli ang guwapong si Aldrich. "Oh siya sige ako na magluluto. Anong oras ba sila pupunta rito?" Biglang sumingit sa usapan si Tatay Noel. "Ba't parang taranta kayo? Sino ba bisita natin?" tanong nito. "Pupunta raw si Aldrich dito mamaya kasama kaibigan niya," paliwanag ni Nanay Ely. "Napaghahalataan ko na kayo. Manliligaw mo ba sila?" Biglang namula ang pisngi ni Savanna saka umiling. "H-Hindi po! Kaibigan ko lang sila!" Ngiting tumango lang si Tatay Noel saka bumalik sa panunuod ng basketball. Pulang-pula na ang pisngi ni Savanna kasabay

