SAVANNA'S POV NATIGILAN ako nang bigkasin ni Benedict ang pangalan ko. "P-Paano mo nalaman ang pangalan ko?" nauutal kong tanong sa kaniya. "I told him," tugon na sabi ni Aldrich kaya napahigit ako ng paghinga. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kahihiyan. Napayuko na lang ako saka tahimik na hinintay ko si Lyla. "Andito ka rin Ismael?" gulat na taong ni Aldrich saka tumayo siya. "Actually, siya ang tumulong sa amin na hanapin si Yazy," pagsingit ni Lyla. "Ano pala ang nangyari? Paano siya napunta sa inyo?" tanong ni Lyla kay Aldrich saka naman nagsalita si Benedict. "Hi, my name is Benedict, pinsan ni Aldrich," ngiting pakilala ni Benedict dito saka nakipagkamayan kay Lyla. "Lyla Atienza, ako ang kapatid ni Yazy," tugon na sabi ni Lyla. "Sa convenience store ko siya nakita.

