Vaseline P.O.V Inis na inis ako hanggang ngayon. Bakit ba kasi ako naiinis? Hindi ko rin alam kung bakit? Naiinis na nga ako sa aking sarili kung bakit mabilis akong mainis. Kaunting bagay naiinis na agad ako. Baka sa inis ko babatuhin ko na lang ang bahay ng kapit bahay ko. Napabalikwas ako nang may nag - door bell. Ang aga naman ata ng bisita ko. Wala akong alam na pupunta sa bahay ng ganitong oras. Halos hindi pa nga lumalabas ang sikat ng araw. Tinali ko ang buhok at nag - doble na lang ng roba. Napagbuksan ko si Manang ang katiwala ni Jacx. Nakangiti naman ito sa akin. Ngayon ko lang napansin na may dala - dala siyang box. Niluwagan ko ang pagbukas ng pinto. "Pasok po kayo." "Magandang umaga hija. Na isturbo ba kita? Hindi na rin ako magtatagal, ibibigay ko lang sa 'y

