Vaseline P.O.V Antok pa ako pero kailangan kong tumayo dahil sa paulit-ulit na door bell. Hindi ko alam kung sino ang bisita ko sa ganitong oras. Wala naman akong expected na bisita. My god! Wala naman sigurong maniningil ng utang sa ganitong oras 'di ba? Ano ka ba naman Vaseline, kailan ka ba nagka utang. Walang panuklay, hindi na din ako nagbihis kahit 'yong suot ko ay napakaikling shorts na manipis dahil pantulog lang naman. Ang damit ko na kita ang pusod. Hihikab hikab pa ako habnag binubuksan ang gate. Kailangan ko na ata kumuha ng guard. Pero kaya ko pa naman. Pagbukas ko ng gate. Sinalubong kaagad ako ng ingay. Halos hindi ako nakapagsalita nang mapagbuksan ko ang family ni Jacx. Seryoso? Bakit sila nandito? Take note! Silang lahat. "Good morning!" masayang bati sa a

