bc

Harry's REVENGE

book_age18+
22.2K
FOLLOW
146.4K
READ
billionaire
revenge
dare to love and hate
CEO
drama
twisted
bxg
small town
enimies to lovers
punishment
like
intro-logo
Blurb

She was behind the wheel the night her best friend died.

Now her best friend’s fiancé blames her for everything.

Harry lost Ashley—and their unborn child—in a car crash.

He says it’s Ysa’s fault.

He says she deserves to suffer.

So he makes her an offer she can’t refuse:

Become his fiancée.

Carry his child.

Repay him for the family he lost.

But how do you live with a man who looks at you like you murdered the only people he loved?

How do you pretend to be his future…

when all he feels for you is rage?

She was supposed to pay for his pain.

He wasn’t supposed to fall for her.

He blames her for killing the woman he loved.

Now he wants her to replace the woman he lost.

chap-preview
Free preview
Harry-1
"Ashley," tawag niya at pilit inaabot ang kamay ng kaibigan sa passenger seat. Siya man ay halos hindi na rin makakilos dahil sa sakit na nararamdaman. Tila may nakadagan sa paanan niya kaya lalo siyang hindi makagalaw. Pinipilit niyang ibuka ang mga mata para masilayan ang kaibigan sa passenger seat. "Ashley—" nanghihinang tawag niya sa kaibigan. Pero wala siyang narinig mula sa kaibigan. Ni hindi rin ito kumilos nang maabot ang kamay nito. May nakapa siyang basa at malagkit. Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata kahit bahagya, at nakita ang kaibigan na duguan. Nagkalat ang dugo sa mukha nito pababa. Dugo rin ang nahawakan niya kanina. Nais niyang sumigaw nang sumigaw, pero walang tinig na lumabas mula sa bibig niya. Pagbukas ng kanyang mga mata, puting kisame ang tumambad sa kanya. Inikot niya ang mga mata sa buong paligid. Tanging puting kisame at dingding ang nakikita niya. Kung nasaan siya ay hindi niya alam, pero hinala niya nasa isang silid siya ng ospital. Kung saang ospital, hindi niya alam. Masakit ang buong katawan niya. Daig pa niya ang nabugbog. Isama pa ang nanunuyong lalamunan niya. Kung ilang araw na siya sa ospital ay hindi niya alam. Pero may pakiramdam siyang matagal na siyang nakahiga sa kama. Natatandaan niya ang mga nangyari. Mabagal lang naman ang takbo ng kotse niya nang mula sa likuran ay banggain sila ng kung anong sasakyan. Tumilapon ang kotseng sinasakyan nila ng kaibigang si Ashley. "Ashley," usal niya nang maalala ang kaibigan. Inikot niya ang mga mata. Walang taong naroon, ni isa. Mag-isa lang siya sa silid at hindi niya maikilos ang mga paa. "Ashley," muli niyang usal. Nais niyang bumangon at bumaba ng kama para hanapin ang kaibigan. Nais niyang malaman kung kumusta ito, kung okay lang ba ito. Pinipilit niyang bumangon kahit hindi niya magalaw ang isang paa. Nang tingnan niya ang paa, may balot iyon na hindi niya alam kung ano. Sinuri rin niya ang mga braso na may mga benda, pero maliit lang. Baka mga sugat dahil sa aksidenteng nangyari. Nagawa niyang maupo sa kama at sinuri muli ang mga paa. Sinubukan niyang igalaw ang mga ito. Hindi niya maigalaw ang isang paa dahil mabigat. Tila may semento iyon, marahil dahil sa pagkakaipit niya sa kotse. "Si Ashley," muli niyang usal habang pinipilit na bumaba sa kama. Nang biglang bumukas ang pintuan, nalipat sa bumukas na pinto ang atensyon niya. "Ysa!" bulalas ni Marvin nang makita siya. "Anong ginagawa mo?" gulat na tanong ni Marvin, isa sa mga kaibigan niyang lalaki. Kung bakit ito narito ay hindi niya alam. Mabilis siyang nilapitan at iniayos ni Marvin sa kama. Napigilan siya nito sa balak na pagbaba. "Si Ashley," tanong niya agad sa kaibigan nang maayos na siyang naupo muli sa kama. Napansin niya ang paghugot ng malalim na hininga nito at pag-iwas ng tingin sa kanya. Kaibigan din ito ni Ashley. Sila ang magkakabarkada, isama pa sina Jake at Tintin na magkarelasyon. "Marvin!" inis na tawag niya sa kaibigan dahil hindi nito sinasagot ang tanong niya. "Ysa, kase—" naputol ang sasabihin pa sana ni Marvin nang parehong umagaw sa atensyon nila ang pagbukas ng pintuan. "Harry," gulat na sabi ni Marvin nang makita si Harry na pumasok sa loob ng silid. Si Harry ang fiance ni Ashley. Magpapakasal na ang mga ito sa susunod na buwan. Nasabi rin ni Ashley sa kanya na buntis ito, kaya mas lalong pinadali ng dalawa ang pagpapakasal. "Harry," mahinang sambit niya sa pangalan ni Harry at napatitig dito. Napansin niya ang pagtigas ng mukha nito at pagtiim ng mga bagang. Isama pa ang masamang tingin nito sa kanya na tila ba ano mang oras ay sasakmalin siya nito. Napalunok siya at napalingon kay Marvin na nakatingin kay Harry. May nangyari bang masama kay Ashley? tanong niya sa sarili. Dahil sa nakikita niyang galit sa mukha ni Harry, handa siya nitong patayin ano mang oras. Nakaramdam siya bigla ng takot sa anyo ni Harry. Hindi niya masyadong kilala si Harry. Ipinakilala lang ito ni Ashley sa kanya. Nagkakilala daw ang dalawa sa New York nang magbakasyon si Ashley roon. Nagkataon na taga-San Miguel din daw si Harry, kaya nang magbalik si Ashley ng San Miguel ay kasama na nito si Harry. Matapos ang halos isang buwan, nagsabi si Ashley sa kanya na may balak na sila ni Harry na magpakasal. Nagulat pa siya nang sabihin ng kaibigan iyon dahil napakabata pa nito sa edad na bente dos. Pero nang sabihin ni Ashley na buntis ito, hindi na siya nagsalita ng kung ano pa sa kaibigan. Isa pa, mukhang masaya at mahal naman ni Ashley si Harry. "You!" mabalasik na sabi ni Harry sabay turo pa sa kanya. Napapitlag siya nang halos sakupin ng malakas na boses nito ang buong silid ng ospital. "Harry, please, she's not fully recovered. Kakagising lang din niya from death," narinig niyang sabi ni Marvin habang hinaharangan ang balak na paglapit sa kanya ni Harry. Kumunot ang noo niya at kumabog ang dibdib sa nakikitang galit kay Harry. Nais na niyang maiyak sa takot, kaba, at kung anu-anong emosyon dala ng mga matatalim na mga mata ni Harry. "Damn it!" mura nito at buong lakas na tinulak si Marvin. Napatili siya nang makitang tumilapon si Marvin sa sofa. "I'll kill you, b***h!" matalim na sabi ni Harry sa kanya at lumapit ito sa kamang kinauupuan niya. "Harry," bulong niya na sakto lang umabot sa tenga niya. Napatili siya nang maramdaman ang mga kamay ni Harry sa leeg niya. Mahigpit nitong hawak ang leeg niya at halos hindi na siya makahinga. Sinubukan niyang pigilan ang mga kamay nito sa leeg niya, pero wala siyang lakas para labanan ang lakas ni Harry na kung titignan ay nais nga siyang patayin. "Harry, tama na!" narinig niyang sigaw ni Marvin. "Gagawin ko sa iyo ang ginawa mo kay Ashley!" matalim na sabi nito. "Harry! Wala siyang kasalanan! Aksidente ang lahat!" narinig niyang sigaw ni Marvin habang hinihila si Harry palayo sa kanya. "Dahil sa iyo nawalan ang mag-ina ko! Kaya dapat lang na patayin na rin kita sa mga kamay ko!" galit na galit na sabi ni Harry sa kanya. Sumunod na narinig niya ay mga sigawan ng mga bagong dating sa silid ng ospital. Pinagtulungang ilayo sa kanya si Harry nang halos hindi na siya makahinga. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari, pero tila naunawaan niya ang sinabi ni Harry. Dahil sa kanya nawala ang mag-ina nito. Anong ibig nitong sabihin? Wala na si Ashley? Umubo-ubo siya. Pakiramdam niya malalagutan na siya ng hininga. At bago pa man siya mawalan ng malay, nakita pa niya ang pagwawala ni Harry na pinipigilan nina Marvin at Jake. Nasa tabi naman niya ang kaibigang si Tintin. Maya-maya pa, dumilim na ang buong paligid, kasunod ang pagbagsak niya sa kama.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
31.9K
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.2K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.7K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook