Harry-2

1015 Words
"Gusto mo bang pumunta sa States?" tanong ng Daddy niya habang nag-aalmusal. Ilang linggo na mula nang makalabas siya ng ospital. Maayos na rin ang paa niya, hindi pa nga lang niya kayang maglakad tulad ng dati. At ang mga sugat naman niya, naghilom na. Nag-iwan lang ng mga bakas sa katawan niya. "Fernan, hindi maganda tingnan kung aalis ng bansa ang anak mo ngayon. Alam mo naman na hanggang ngayon siya pa rin ang sinisisi ng fiancé ni Ashley sa nangyaring aksidente," paliwanag ng Mommy niya sa Daddy niya. Sinulyapan niya ang ama na humugot ng malalim na paghinga at tumingin sa kanya. "Wala namang kasalanan ang anak natin. Aksidente ang nangyari. Nakita naman sa CCTV na ang SUV ang bumangga sa kanila," sagot ng ama na sa kanya nakatingin. Ilang linggo na rin mula nang mangyari ang aksidente. Pero hanggang ngayon hindi pa rin niya maalala nang maayos ang mga nangyari. Kwento ng mga kaibigan, hindi daw nahuli ang driver ng SUV na bumunggo sa kanila. Tumakas daw ito at iniwan ang sasakyan na hindi naman nakarehistro. Kaya magpa-hanggang ngayon patuloy pa rin ang imbestigasyon. At magpa-hanggang ngayon wala pang nakukuhang hustisya ang pagkamatay ni Ashley at ng magiging anak sana nito. "I'm sorry po," naiiyak na hingi niya ng tawad sa mga magulang. Alam niyang binigyan niya ng malaking problema ang mga magulang. Nabulabog ang tahimik na pamumuhay nila sa bayan ng San Miguel. Isang politiko ang Daddy niya at sa pagkakaalam niya, balak tumakbo ng Daddy niya sa pagka-alkalde sa bayan nila. Ang ama kasi ang nangunguna sa pagka-konsehal ng bayan nila ngayon, kaya ngayong taon ay balak na tumakbong alkalde ang ama. Alam niyang kaya nais ng ama na magtungo muna siya sa States ay para maiwasan na pag-usapan ang tungkol sa aksidenteng kinasangkutan niya. Dalawa silang magkapatid. Ang Kuya Zandro niya, busy sa negosyo nila. May malaking farm sila, ang De Guzman Farm, na katabi ng Hacienda Tragora. Ang farm nila ang nagsu-supply ng mga gulay at prutas sa San Miguel at mga karatig bayan tulad ng San Sebastian. At siya naman, kaka-graduate pa lang sa kursong Accountancy at wala pa siyang napapasukan na trabaho. Baka kung sakali, sa farm na lang din siya magtrabaho. At heto, nangyari nga ang aksidente, kaya tila mas lalong nawalan ng direksyon ang buhay niya. "Kung ako lang talaga, Ysa, gusto kong magbakasyon ka muna sa States. Hintayin lang natin bumaba ang galit ni Harry Leonardo," sabi ng ama at tinuloy ang pagkain. "Mapanganib ang mga Leonardo, anak. Kung gagamitan nila tayo ng pera, wala tayong laban. Ang mga Leonardo ang nagmamay-ari sa Leonardo Group of Companies. Halos lahat ng brand ng sasakyan, meron sila sa bayan natin at sa ibang bayan," mahabang litanya ng ama. Wala naman siyang idea sa mga sinasabi ng ama tungkol sa malaking negosyo ng mga Leonardo. Hindi naman niya lubusang kilala si Harry. Dahil halos isang buwan pa lang mula nang ipakilala ito ni Ashley sa kanila, at halos tatlong beses lang yata niya nakasama si Harry. Kaya hindi pa niya ito lubusang kilala. Hapon na nang dumating ang Kuya Zandro niya galing sa farm. Agad niyang nilambing ang kapatid na i-drive siya papuntang sementeryo para dalawin si Ashley. Hindi naman tumanggi ang kapatid sa kanya. Mula nang makalabas siya ng ospital, dalawang beses pa lang niyang nadalaw ang kaibigan sa puntod nito. Nagpapagaling pa rin kasi siya at ngayon mukhang fully recovered na siya, hindi nga lang siya makakatakbo pa. "How do you feel?" tanong ng kapatid habang tinatahak ang daan patungo sa sementeryo. "I'm okay, Kuya," sagot niya habang nakatingin sa labas ng bintana. "Good to hear," sagot ng kapatid. Marahil napansin na wala siya sa mood makipagkwentuhan. Pagdating sa puntod ni Ashley, nagpaiwan muna siya sa kapatid. Nais kasi niyang makausap ang kaibigan at humingi ng tawad sa nangyaring aksidente. Hindi naman niya kasalanan ang pagbangga ng kotse nila. Ang tanging kasalanan niya ay nagpasama siya kay Ashley na mamili ng mga gamit at mag-relax sa Tragora Mall, dahil sa ikalawang pagkakataon nahuli na naman niya si Alex na may kasamang babae sa VincElla Hotel. Si Alex ang unang nobyo niya at niloko siya nito. Kaya nang mahuli ito, agad na siyang nakipaghiwalay dito. Iyon nga ang araw naaksidente sila ni Ashley. "Ashley," sambit niya sa pangalan ng kaibigan. Naupo siya sa damuhan at hinaplos ang lapida ng kaibigan kung saan nakalagay ang pangalan ng kaibigan at "Baby Angel"—marahil ang batang sana ay magiging anak ng kaibigan. Naluha siya dahil sa lungkot na nararamdaman para sa kaibigan at sa batang ni hindi man naisilayan ang mundo. "What the hell are you doing here?!" galit na tinig ang narinig niya. Nag-angat siya ng mukha. Galit na mga mata ni Harry ang sumalubong sa mga mata niya. "Harry," sambit niya sa pangalan nito. "Umalis ka rito! You are not supposed to be here! Wala kang karapatang puntahan si Ashley!" galit na sabi nito at mabilis siyang hinila sa palapulsuan. "Aray!" tili niya. May mga sugat pa kasi siyang hindi masyadong natutuyo banda roon. At dahil mahigpit ang hawak ni Harry, nasasaktan siya. "Umalis ka!" mariing utos nito at basta na lang binitawan ang kamay niya. Hinawakan niya ang kamay na nasaktan at sinulyapan si Harry. Napalunok siya nang mapatitig sa itim na mga mata nito. Nakasuot ito ng itim na t-shirt at pantalon. Simple pero nagsusumigaw ang appeal nito. Bakas sa mga mata nito ang pagod at kawalan ng tulog. Ganoon pa man, gwapo pa rin itong tingnan. Nagulat siya sa sariling naiisip at mabilis na nag-iwas ng tingin sa mga mapanganib na mata nito. Kaya pala sabi noon ni Ashley, hindi na daw niya pakakawalan pa si Harry. Dahil na kay Harry na daw ang lahat ng hinahanap ng kaibigan sa isang lalaki. Baka nga tinotoo ng kaibigan ang sinabi nito. Dahil halos isang buwan lang, buntis na agad ito kay Harry at nagbabalak na ng magpakasal. Ngayong natitigan niya ng mabuti si Harry, masasabi niyang walang babaeng tatanggi sa isang katulad nito. At lahat ng sinabi ng kaibigan tungkol kay Harry, totoo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD