Harry-3

1263 Words
"Umalis ka na dito!" sigaw na taboy ni Harry sa kanya. Nakapigil siya sa gulat. "Huwag na huwag mong dadalawin ang mag-ina ko!" patuloy nito at hinablot ang mga bulaklak na dala niya para sa puntod ng kaibigan at itinapon iyon. Napatili siya nang marinig ang malakas na pagbagsak ng vase na kinalalagyan ng mga bulaklak. Mabilis siyang lumapit sa mga bulaklak na tinapon nito para damputin ang mga iyon. "Because of you, Ysa, namatay si Ashley at ang magiging anak namin!" mariing akusa nito sa kanya. Tulad noong araw sa ospital na halos patayin na siya nito sa matinding galit. "I'm sorry, Harry. Hindi ko sinasadya ang nangyari," umiiyak na hingi niya ng tawad habang dinadampot ang vase na nabasag. "Aaah," tili niya nang may maramdaman siyang tumusok sa daliri niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang may dugo sa daliri niya. Napatili siya nang malakas. Mula kasi nang mangyari ang aksidente nila ni Ashley, nagsimula siyang makaramdam ng takot sa dugo. Hemophobia, sabi ng doktor sa kanya. Phobia sa dugo. Dahil nakita niya mismo sa dalawang mata ang duguan niyang kaibigan na walang malay sa passenger seat. "Dugo!" tili niya habang titig na titig sa daliri niyang duguan. "What's wrong?" tanong ni Harry sa kanya. Luhaan niyang tiningala ito na nakakunot ang noo at nakatingin sa kanya. "Dugo!" sagot niya at lalong nagtitili sa takot. "Ysa! Ysa!" tinig ng Kuya Zandro niya ang narinig niyang tumatawag sa kanya. "Ysa!" agad na lumapit ang kapatid at pinunasan ang daliri niyang may dugo sa sarili nitong damit. "It's okay, it's okay," bulong ng Kuya Zandro niya at niyakap siya nang mahigpit matapos mapunasan ang dugo sa daliri. Napahagulgol siya ng iyak at napalingon kay Harry na kunot-noong nakamasid sa kanya. "It's okay, Ysa," muling bulong ng kapatid sa kanya. Inalayan siya nitong makatayo mula pagkakaupo sa may damuhan. "Let's go, iuuwi na kita," sabi ng kapatid. Nakaalalay sa kanya ang kapatid nang makatayo. Sinulyapan niya si Harry. Nagtama ang kanilang mga mata. "I'm sorry, Harry," mangiyak-ngiyak na hingi niya ng tawad dito. Bumuntong hininga lang si Harry sa kanya at tumalikod. Humarap sa puntod ni Ashley at nakita pa niyang isa-isa niyang tinanggal ang bawat bulaklak na galing sa kanya. Ganoon ba kagalit sa kanya si Harry, at wala ni isang gamit niyang nais nitong madikit sa puntod ni Ashley? Laylay ang mga balikat niyang naglakad silang magkapatid palapit sa nakaparadang kotse ng kuya niya. Nang makasakay sa kotse, muli niyang sinulyapan si Harry na nakaupo sa harapan ng puntod ni Ashley. Nakaramdam siya ng lungkot para kay Harry. Alam niyang kung hindi nangyari ang aksidente, masaya sana sina Harry at Ashley. May inaabangan ang mga ito na munting supling. Napakagat labi siya sa guilt na nararamdaman. "I'm sorry," umiiyak na sabi niya habang nakatingin kay Harry. "Ysa, it was an accident. Hindi mo kasalanan ang nangyari," sabi ng kuya niya. Bumuntong hininga lang siya at sinandal ang likod sa upuan. "Let's go, Kuya," bulong niya at pinunasan ang mga luha sa pisngi. --- *After 1 Week* "Maganda," sabi ni Tintin sa kanya habang hinila ang isang silk na maxi dress. Naghahanap kasi siya ng maisusuot sa party sa bahay nila. May pa-meeting kasi ang Daddy niya sa mga kasamahan nito sa politika at required siyang humarap sa mga bisitang dadalo sa bahay nila. Tinawagan niya si Tintin kanina para magpasamang mamasyal sa Tragora Mall at mamili ng mga kailangan niya. Pumayag naman si Tintin. Sumama rin sina Jake at Marvin. Bonding na rin nilang magkakaibigan. Namimiss na rin naman niya ang ganitong bonding nilang magkakabarkada, lalo na noong nabubuhay pa si Ashley. Lagi itong nangunguna sa paglilibot sa mall. Hindi niya tuloy maiwasang makaramdam ng pagkalungkot nang maalala ang kaibigan. "Sige, 'yan na lang," malamya niyang sagot kay Tintin at kinuha ang damit sa kaibigan. Wala kasi siya sa mood mamili. Kung hindi lang kailangan, hindi siya lalabas ng bahay. "Tapos na ba kayo? Kumain tayo pagkatapos," sabi ni Jake at agad na umakbay kay Tintin. Tumango lang siya at nagbayad na sa cashier. Matagal nang may relasyon sina Jake at Tintin. Si Ashley naman, bago nito naging karelasyon si Harry, ay may naging ibang boyfriend na rin na nakasama nila sa barkada. Si Marvin naman, walang nobya pero kung sinu-sino ang sinasamahang babae. At siya naman, isa pa lang ang naging boyfriend niya—si Alex—na hindi naman din tumagal dahil manloloko. Nagyayang kumain ang tatlo sa isang sikat na restaurant sa loob ng Tragora Mall. Matapos makapag-order ng kakainin, nagpaalam siyang magbanyo muna. Sasamahan sana siya ni Marvin ngunit tinangihan na niya ang kaibigan. Alam niyang magpa-hanggang ngayon ay may pagtingin sa kanya si Marvin. Pero gaya ng una niyang sinabi kay Marvin noon, wala itong maaasahan sa kanya. Hanggang ngayon, ganoon pa rin ang feelings niya para sa kaibigan. Wala pa rin itong maaasahan sa kanya. Paglabas niya ng restaurant, agad na nabungaran niya si Harry na naglalakad sa may dako niya. Hindi niya makakalimutan ang mukha ni Harry—ang mga mata nitong maiitim na tila laging nanlilisik sa galit. Ang gwapong mukha nito, na napansin pa lang niya nang magkita sila sa puntod ni Ashley. Napalunok siya at nagdalawang-isip kung tutuloy o hindi sa paglalakad. Takot pa rin siya kay Harry magpa-hanggang ngayon. Kinasusuklaman siya ni Harry dahil siya ang sinisisi nito sa pagkamatay ng mag-ina nito. Huli na para umiwas siya dahil nakatuon na sa kanya ang mga mata ni Harry. Tulad ng dati, nanlilisik ang itim na mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Napalunok siya at nahinto sa paglalakad. Nagtuloy sa paglalakad si Harry, kasama ang isang lalaking may itsura rin. Pakiramdam niya hindi siya makahinga nang huminto si Harry sa tapat niya at sinuri siya ng tingin. Nakasuot siya ng may kasiglaang kulay na blusa at puting short, short na nagpapakita sa magaganda niyang binti. Bumalik sa mga mata niya ang itim na mga mata ni Harry matapos siyang masuri nito. "Hi," alanganin niyang bati rito na walang kabakas-bakas na ano mang emosyon ang mukha nito. "Ysa," banggit nito sa pangalan niya na puno ng pagkasuklam. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na binanggit ni Harry ang pangalan niya. "What are you doing here? Having a good time while your friend—" "Harry," putol ng lalaking kasama nito at siniko pa ito para huwag ituloy ang sasabihin nito. Alam naman niya ang susunod na sasabihin ni Harry. Nagyuko siya ng ulo dahil hindi niya matagalan ang matalim na mga mata ni Harry na sa kanya nakatingin. Sabi nga nila, kung kaya kang pumatay ng tingin, kanina pa siya nalagutan ng hininga. "I'm sorry," bulong niya. Hindi siya sigurado kung narinig ni Harry. Lagi naman siyang nagso-sorry dito sa tuwing magkikita sila. "I don't need your sorry!" malamig na sagot nito at marahas na hinawakan ang baba niya. Nagulat siya. Nanlalaki ang mga mata niyang napatingin sa itim na mga mata nito. "Kung nagsisisi ka sa pagkawala ni Ashley at ng magiging anak namin, puntahan mo ako sa opisina ko bukas. May ipagagawa ako sa iyo para mabawasan ang galit ko sa iyo!" matalim na sabi nito habang hawak-hawak ang baba niya. Titig na titig ang mga mata niya rito. Hindi niya magawang iiwas. Napalunok siya at naramdaman ang pag-kabog ng dibdib. Kung sa kaba, o dahil sa kaharap niya ang gwapong si Harry Leonardo. Napansin din niya ang paglandas ng mga mata nito sa kabuuan niya, na lalong nagpalakas sa kaba niya. "See you soon then," sabi nito nang hindi siya makasagot. At binitawan siya nito. Nagtuloy na ito sa paglalakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD