Harry-4

1194 Words
Kanina pa siya palakad-lakad sa may pool area ng bahay nila. Hindi siya mapakali matapos ang hindi sinasadyang pagkikita nila ni Harry sa mall. Nais nitong magtungo siya bukas sa opisina nito para sabihin sa kanya ang gusto nito. Kung nais daw niyang makabawi sa kasalanan niya rito. Wala siyang kasalanan sa nangyari. Iyan ang pilit na sinisigaw ng isip niya. Aksidente ang nangyari. Walang may gusto sa nangyari. Pero kinakain siya ng guilt niya dahil may nawalan at nasaktan. Alam niyang hindi lang naman si Harry ang galit sa kanya sa nangyari. Pati ang mga magulang ni Ashley, na hindi lang makuhang sisihin siya dahil isa siyang De Guzman. Anak siya ng uupong alkalde sa bayan nila. "Ano kayang sasabihin sa akin ni Harry?" tanong niya sa sarili habang kinagat-kagat niya ang daliri sa kamay. At paroo't parito siya. "Hindi naman siguro niya ako papatayin," bulong niya ulit. Humugot siya ng malalim na paghinga. Naalala ang eksena sa ospital noon na halos patayin na siya ni Harry sa sakal. Napahawak siya sa leeg. Pakiramdam niya nararamdaman pa niya ang mahigpit na mga kamay ni Harry na sumasakal sa leeg niya. Wala pa siyang napagsasabihan isa man sa mga kaibigan tungkol sa pag-uusap nila ni Harry kanina. Baka kasi pigilan lang siya ng mga ito, lalo na’t alam ng mga ito kung gaano kagalit sa kanya si Harry. Baka sabihin ng mga ito na mapapahamak lang siya kung pupunta. Iyan din naman ang sumasagi sa isip niya. Na baka mapahamak siya. "Bahala na bukas. Pupunta ako at haharapin ko si Harry. Wala akong kasalanan. Aksidente ang nangyari," mariing sabi niya sa sarili. Haharapin niya ito para makapagpaliwanag. Ididiin niyang wala siyang kasalanan sa nangyari. Nasa ganoong pag-iisip siya nang tumunog ang cellphone niya sa bulsa. Pangalan ni Marvin ang nabasa niya sa screen. Napabuntong hininga siya at nagkibit balikat. Mula nang malaman ni Marvin na naghiwalay na sila ni Alex, panay paramdam na naman ito sa kanya. Pero kahit anong gawin niya, wala siyang ano mang damdamin sa kaibigan. Nais niyang huwag sanang sagutin ang tawag nito. Naisip niyang baka makahalata naman ito na umiiwas siya rito. Kaya naman kahit ayaw niyang sagutin, napilitan na siya. "Hello," sagot niya sa kabilang linya. Gaya ng inaasahan niya, wala namang importanteng sasabihin ito. Makikipagkwentuhan lang ito sa kanya at isisingit ang panliligaw nito sa kanya—bagay na minsan kinaiirita na niya sa kaibigan. --- Kinabukasan, tanghali na siyang nagising dahil buong gabi siyang hindi makatulog sa kakaisip kung pupunta ba o hindi sa opisina ni Harry. "Good morning po, Ma’am," bati ng isa sa mga kasambahay nila. Tumango lang siya at naupo na sa mesa. "Nakaalis na silang lahat?" tanong niya sa kasambahay habang nilalagyan ng kape ang tasa niya. "Opo, Ma’am. Ang Daddy niyo po maagang nagtungo sa munisipyo. Ang Mommy niyo naman po, inasikaso ang ibang mga tauhan ng Daddy niyo para sa kampanya," sagot ng kasambahay sa kanya, na tila alam nito lahat kung nasaan ang mga magulang. "Si Kuya Zandro?" tanong niya habang nagsisimula nang kumain. "Nasa farm na rin po," sagot nito. "Sige, salamat. Pakisabi na lang sa driver na i-drive ako mamaya. May pupuntahan ako," bilin niya rito. Saka na ito umalis nang wala na siyang sasabihin pa. Buo na ang desisyon niya. Pupunta siya sa opisina ni Harry. Aalamin niya ang gusto nito para lang mapatawad na siya nito. At kahit papano, mabawasan ang guilt na nararamdaman niya. Dalawang buhay ang nawala kay Harry, kaya hindi niya ito masisisi kung halos patayin na siya nito sa galit. Matapos kumain, nagtungo muna siya sa swimming pool para mag-swimming. Ang pag-swimming ang tila exercise na niya. Ngayon lang siya muling makakapag-swimming matapos ang aksidente. Magaling na lahat ng sugat niya, nag-iwan lang ng bakas. Ang paa naman niya, maayos na. Dahil kumuha sila ng magaling na therapist para mapagaling agad ang paa niya. She is now fully recovered. She can walk on her feet like before. Sadyang hindi pa siya makarecover sa masamang dinulot ng aksidente sa kaibigan at sa magiging anak sana nito. Matapos mag-swimming, naghanda na siya sa pagtungo sa opisina ni Harry. Pinili niyang magsuot ng elegante, iyong magmumukha siyang matalino. Pinili niya ang business attire suit na kulay beige—wrap blazer, corset, and high rise pants. Mahilig siya sa mga elegant attire, tulad ng business suit. Nagmumukha kasi siyang elegante at matalino kapag ganoon ang style na suot niya. She can manage it well naman dahil kaya niyang dalhin in a sexy way. Matapos makapagbihis, naglagay din siya ng kaunting make-up. At sinuot niya ang mga mamahaling alahas niya. Hindi para magpakita ng kayabangan. Isa din kasi sa mga hilig niya ay mga mamahaling alahas. Madalas nga, hinihiram niya ang mga alahas ng Mommy niya kapag wala siyang materno sa mga sariling jewelries. Sumunod na sinuot niya ang kulay tan na sapatos na may heels, syempre. At halos paliguan niya ng pabango ang sarili. Kung bakit siya nag-aayos para kay Harry Leonardo ay hindi niya alam. Pwede naman siyang magtungo sa opisina nito na kahit nakapantulog lang o di kaya pambahay. Hindi naman isang business proposal ang pag-uusapan nila nito. But still, she wants to look elegantly beautiful. Nagpaphahatid siya sa family driver nila sa Leonardo Group of Companies. Ito ang pinakamalaking kompanya ng mga sasakyan sa bayan ng San Miguel. Iyon lang ang pagkakaalam niya. Hindi naman kasi talaga siya isang business person. Wala siyang pakialam kung sinu-sino ang may mga negosyo sa bayan nila. Hindi na rin niya inaalam pa, dahil wala rin naman siyang mapapala. Pero sa bayan nila, marami ang nakakakilala sa kanya dahil anak siya ni Fernan De Guzman, ang susunod na mayor sa bayan nila. Sigurado naman kasi ang panalo ng ama dahil matulungin at may maibubuga naman ang ama. Isama pang ginagamit ng ama ang Kuya Zandro niya sa pangangampanya. Malakas kasi ang dating ng kapatid pagdating sa mga kababaihan, lalo na’t gwapo ang Kuya Zandro niya. Sa isang mataas na building sila huminto. Magkakatabi ang mga building na may kanya-kanyang brand ng mga sasakyan. Karamihan ay mga luxury cars na mayayaman lang talaga ang bumibili. Humugot siya ng malalim na paghinga at tiningala ang mataas na building mula sa loob ng kotse. "Harry Leonardo," bulong niya sa pangalan nito. Agad siyang bumaba ng kotse nang pagbuksan siya ng pintuan ng driver. Saka niyang sinabi rito na tatawagan na lang niya ito pag-uwi na. Taas ang mukha niyang naglakad papasok sa matataas na building. Wala siyang mapipintas sa loob ng building. Maganda, malinis, at moderno. "Good afternoon, Ma’am," magiliw na bati ng isang babae sa front desk. "Hi, I'm Ysa De Guzman," pakilala niya. "I have an appointment with Mr. Harry Leonardo." "Yes, Ma’am. Mr. Leonardo is expecting to see you," sagot nito at tinawag ang isang lalaking naka-polo na puti. Sinabi ng babae na ihatid siya sa opisina ni Harry. "No, I can handle it. Just tell me what floor," tanggi niya. Tinuro naman agad ng mga ito kung saan ang opisina ni Harry. Ganoon pa rin ang lakad niya—nakataas ang mukha, puno ng confidence. Kung makalakad siya, daig pa niya ang may-ari ng building.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD