"Stop it! Get off!" Tili ni Ysa habang nakaibabaw s'ya rito. Nagpupumiglas ito. Sinusubukang makawala mula sa kanya. "Huwag mong dalhin dito sa bahay ng mga magulang mo ang kababuyan mo!" Tili pa rin nito sa kanya. Hindi n'ya ito binigyan ng pagkakataon. Patuloy s'ya sa pag atake sa leeg nito. Tama nga yata ito sa sinabi nito kanina. Hindi nga yata paghihiganti rito ang ginagawa n'ya, dahil ramdam n'yang s'ya mismo gusto n'ya ang nangyayari sa kanila ni Ysa. Kanina ng masilayan itong suut-suot ang wedding gown nito. Wala s'yang masabi kundi ang ganda nito. Ang ganda, ganda ni Ysa De Guzman na ngayon ay legal ng Ysa Leonardo na. Legal na n'ya itong asawa. Pagmamay-ari na n'ya ito ngayon. Kanina pa n'ya nais masolo ang asawa. Kaya nga hindi n'ya magawang hiwalayan ito at bitiwan ito kani