Nagpahatid sila ni Harry sa G. Saavedra Airlines. Buong biyahe silang magkatabi nito sa likod ng sasakyan. Magkadikit ang kanilang mga braso. Sa kabila na ng mga nangyari sa kanila ng asawa ay hindi pa rin n'ya mapigilang makaramdam ng kakaiba sa simpleng pagkakadikit lang ng kanilang mga balat. "Are you ok?" Tanong nito. Sinulyapan s'ya. Nagtama ang kanilang mga mata. Tumango s'ya rito. At nag iwas ng tingin rito. Napapitlag s'ya ng maramdaman ang mainit na palad nitong humawak sa kamay n'ya. Napasulyap s'ya sa kamay nito. Nais sana n'yang bawiin rito ang kamay, pero hindi na lang n'ya ginawa. Hinayaan na lanh n'ya. Baka isipin pa ng asawa na masyado s'yang apektado sa mga pahawak-hawak nito sa kanya. Naramdamdaman n'yang tila naglalaro ang kamay nitong nakahawak sa kamay n'ya. Umiwas