"Sa tingin mo ba matatakot mo ko sa mga sinasabi mo?" Taas noong tanong n'ya rito. Kailangan mag mukha s'yang matapang. Kailangan hindi s'ya makitaan ng kahinaan ni Harry. Kung hindi lalamunin s'ya nito ng buo. Ngumisi ito sa kanya. Dahan-dahang inalis ang kamay nitong nakahawak sa mukha n'ya. Tinaas n'ya ang mukha. Para magpakita ng katapangan. Naramdaman n'yang bumaba ang kamay nito sa may leeg n'ya. Dahan-dahang naglalandas ang kamay nito sa pababa sa leeg n'ya. Napasinghap s'ya at inihanda ang sarili sa pagsakmal nito sa leeg n'ya, gaya ng lagi nitong ginagawa sa kanya. Ngunit hindi s'ya nito sinakal sa leeg ngayon. Naramdaman n'ya ang paglandas ng kamay nito pababa sa collarbone n'ya. Sa balikat n'ya. Napalunok s'ya. Hinayaan ito sa ginagawa sa kanya. Ramdam n'ya ang pagtaasan ng