Kanina pa s'ya paroo't parito sa loob ng guest room kung saan s'ya pinatuloy ni Marco, habang wala pa si Harry. Si Marco at ang nobya nitong si Savannah ang sumundo sa kanya sa Hotel suit na tinutuluyan n'ya. Dito s'ya pansamantalang pinatuloy para sa kaligtasan n'ya. Dahil nga sa pagkakatakas ni Marvin. Pero nahuli na daw ito at nasa kulungan na ulit. Hindi palang n'ya alam ang buong detalye. Kaya wala na s'yang dapat ikatakot pa. Ngayon ang dating ni Harry galing pilipinas. Ito ang una nilang pagkikita mula ng maghiwalay silang mag-asawa at mag-aminan na ng kanilang mga feelings para sa isat-isa. Masyado s'yang kinakabahan na ewan n'ya, siguro dahil na rin mga nangyari sa kanila. At sa kasabikan masilayan muli ang gwapong asawa. Kagat-kagat n'ya ang mga daliri. Habang palakad-lakad.