"I'm hungry," bulong n'ya. Habang kampanteng nakapatong ang ulo n'ya sa malapad na dibdib ni Harry. Nakayakap naman ito sa kanya. Kung sana pwede n'yang hilingin na ganito na lang sila lagi. Hindi nag-aaway, at masaya. Katatapos lang s'yang angkinin ng asawa. Hindi naman n'ya kayang tiisin ito. Mahawakan lang s'ya nito ay bumibigay na s'ya. Mahalikan lang s'ya nito nanghihina na s'ya at nawawala sa sarili. Hanggang sa makalimot na s'ya at maisuko na ang sarili rito. "Me too," sagot nito. At hinalikan s'ya sa buhok. Napapikit s'ya. "Let's have a dinner sa ibaba," sabi nito. Saka bumangon mula sa pagkakahiga sa kama. "Mag sa-shower lang ako," paalam nito. Bumangon na rin s'ya at naupo sa kama. Sumandal sa headboard. Hindi na n'ya binalot ang katawan sa kumot hinayaan n'yang malayang ti