WEDDING DAY "Buti naman at ngayon invited mo na ko sa kasal mo," sabi ni Tintin sa kanya. Habang inaayusan sila para sa big day n'ya. Si Tintin ang bridesmaid n'ya.. "Level up ka naman ngayon. Dahil ikaw ang bridesmaid ko," nakangiting sagot n'ya sa kaibigan. "Tama," kinikilig na sabi nito. Saka ito nakipag apir pa sa kanya. Sa malaking simbahan ng San Miguel gaganapin ang ikalawang kasal nila ni Harry. At sa VincElla Hotel naman ang reception. Marami silang guest. Halos inimbita na yata ni Harry ang lahat ng kakilala nito. Dahil proud daw itong iharap s'ya sa mga kaibigan at business mga business partners nito. Bagay na nagpapakilig sa kanya. Hindi tulad ng una silang ikasal halos wala man silang mga bisita kung hindi ang mga bisita lang ng Daddy n'ya. Ganoon rin ang Daddy n'ya. Na