Pagmulat n'ya ng mga mata nasa puting silid s'ya. Agad n'yang nahulaang nasa loob s'ya ng isang hospital room. Sa dala ba naman n'ya sa ospital kaya kabisado na n'ya ang mga kisame sa bawat sulok ng mg silid sa loob ng ospital. Nananakit ang kanyang ulo. Ginala ang mga mata sa paligid. Nakita n'ya ang isang lalaking nakatalikod, mukhang kumukuha ng tubig o ano sa maliit na ref. Kahit nakatalikod ito kabisado n'ya ang asawa. "Harry," tawag n'ya sa asawa. Agad naman itong lumingon sa kanya. "Ysa," sambit nito sa pangalan n'ya. Saka humakbang palapit sa kama. Pinilit naman n'yang bumangon. Inalalayan s'ya ng asawang makabangon. Naupo s'ya at sinandal ang likuran nito sa headboard ng hospital bed. Naupo naman ito sa tabi n'ya. Agad hinawi ang buhok n'yang tumatakip sa mukha n'ya. "How are