Chapter 17 Thana's P. O. V. Dahan-dahan ang ikot ng mundo ko. Tila ba nasa isa akong pelikula habang pinapanood si Mama sumigaw dahil hinatulan na siya ng judge na guilty. Lumuluha ang mga mata kong tumingin kay Magnus habang nakangiti ito sa akin matapos ko ipaglaban ang sarili ko. Nakokonsensya akong ipakulong si Mama pero alam kong hindi siya titigil at ito ang tama kapalit ng mga ginawa niya sa amin ni Morana. Wala siyang kwentang ina, iniluwal niya lang kami sa mundong ito. "ISINUSUMPA KITA, THANA!" sigaw ni Mama. Napapikit ako ng mariin. Thana... "Thana." Dinilat ko ang mga mata ko nang hawakan ni Magnus ang braso ko. "Magnus..." "Are you okay? You did great. Nasabi mo lahat ng ginawa ng Mother mo, it's time para pagsisihan naman niya ang pagiging