Chapter 32 Magnus Othello's P. O. V. Ilang beses kong tinatawagan si Ophelia pero hindi niya ako sinasagot. Hindi ko maintindihan kung bakit sinasabi ni Thana ito ngayon, paano ko mabubuntis si Ophelia? Sobrang lasing ba ako noon para hindi mamalayan na nakipag-s*x ako sa kaniya? "Sir, nandito po si Ophelia," sabi ng secretary ko. "Let her in," sabi ko. Pumasok si Ophelia sa opisina ko nang nakangiti. Hinila ko ang kamay niya ay sinarado ang pinto. "What the f*ck happened!? Bakit galit na galit sa akin si Thana? Magiging okay na kami, unti-unti nang bumabalik ang loob ko sa kaniya pero ikaw naman ang sumira ng utak niya!" sigaw ko. "B-Bitawan mo 'ko, Magnus." Napatingin ako sa kamay ko. Bumaon na ang kuko ko sa kaniyang braso dahil sa sobrang pagkagigil ko.