Chapter 31 Thana's P. O. V. Habang-abala ako sa pagluluto ay nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto. Nakita ko si Magnus. Nagkatitigan kaming dalawa. Walang emosyon ang mga mata niya. Agad kong binitawan ang sandok na hawak ko at nilapitan siya. "Magnus, k-kamusta ka na?" tanong ko. "I'm fine, I'm getting better," aniya at naglakad patungo sa kwarto namin. Sinundan ko naman siya. Nakita kong binuksan niya ang closet at kumuha ng mga damit niya. Napakunot naman ang noo ko. "W-Wala ka bang balak matulog rito?" tanong ko. "Hindi pa ako ready," sagot niya. "Kapag may kailangan ka, sabihin mo kaagad sa akin. Kumain ka na ba?" tanong ko. Nilabas niya ang ilang polo niya at pants na pantrabaho. Kumuha siya ng isang bag at nilagay roon. "Kumain na ako,"