Chapter 29 Ophelia's P. O. V. Sinusundan ko lang si Magnus. Hanggang sa nawala siya sa paningin ko. Napahampas ako ako sa upuan ng trycicle na sinasakyan ko. Saan kaya siya lumiko? "Manong, pakidiretso tapos liko sa unang kanto," sabi ko. Sumunod naman ang trycicle driver. Biglang nabuhayan ang kalooban ko nang makakita ako ng isang bar at nakaparke roon ang kotse ni Magnus. "Sa bar, Manong. Itabi mo na," sabi ko. Nagbayad ako kay Manong ng pamasahe at mabilis na bumaba sa trycicle. Lumakad ako papasok sa bar. Walang masyadong tao. Kitang-kita ko kaagad si Magnus na nag-iisa sa isang table for two person. "Magnus!" tawag ko. Lumapit ako sa kaniya pero parang wala siyang naririnig. "Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukuha ang atensyon mo!" sabi ko at n