Chapter 28 Thana's P. O. V. Kasama ko si Attorney Sanchez, ang kaibigan ni Magnus. Hindi pa rin ako kinikibo ni Magnus matapos naming mag-away. Masama ang loob ko sa kaniya, sobrang nasasaktan ako pero parang wala na lang sa kaniya. Hindi ko siya maintindihan, sabi naman niya mahal niya ako. Kung gusto niya na mapag-isa, ibibigay ko. "Sorry for your lost, Thana," biglang sabi ni Attorney Sanchez. "Hindi ko akalain na mangyayare 'to," bulong ko. "Destiny is destiny. God's will. Wala tayong magagawa. You can still make a new baby, but of course, iba ang unang anak," aniya. Napatingin ako sa kaniya. Hinawakan niya ang balikat ko at dahan-dahang hinagod ang likod ko. "I know that he's mad at you. I told him not to blame you but he's not a good listener," aniya pa.